Sa ilang minutong pagsasalita ni Vienna ay napahinto siya. Tinitigan niya ang kaniyang kaibigang lalaki na tulala at nanlalaki ang mga mata. Ilang beses na bang naging ganito si Zeuter? Pinagtatakhan niya iyon lalo na at parang may nakikita itong kung ano.
‘Wala namang kagulat-gulat sa kinukuwento ko.’
Isang tapik na sana ang kaniyang gagawin kay Zeuter nang agawin ng tumahol na aso ang kaniyang atensiyon. Para bang sinasabi nito na huwag pakikialaman ang kaibigan niyang wala na yata sa wisyo.
“Zeuter!” aniya ngunit hindi naman naalintana ang lalaki.
Tumahol muli ang aso. Hindi niya maintindihan pero hinayaan niya si Zeuter. Kahit gustong-gusto na niyang pabalikin o gisingin ang kaibigan ay parang may humahatak sa kan’yang huwag gawin ‘yon.
“Damn!” she cursed out loud.
Nang hindi nakatiis ay hinawakan na ni Vienna si Zeuter sa balikat. Lalo siyang nagtaka sa init na naramdaman sa katawan ng lalaki. Tila isang mataas na lagnat at nakakapaso. Napalitan ng pag-aalala ang kalituhan niya.
“Zeuter Phire, what’s happening to you?!” Vienna was hysterical.
Zeuter started to cry. Lalong nataranta si Vienna sa gagawin sa kaibigan. Hindi na niya malaman kung paanong gigisingin ito. Ilang alog, pagtawag sa pangalan at kung ano pa ang kaniyang ginawa pero isang tahol lang ng malakas ng aso ay parang umahon si Zeuter sa malalim na pagkakalunod.
“Zeu, what the f*ck! Ano ba’ng nangyayari sa ‘yo?” Naluluha nang tanong ni Vienna.
Alalang-alala siya sa nangyari. Mababaliw na siya kakaisip kanina kung ano ang gagawin sa gising niyang kaibigan ngunit parang nasa malalim na pagkakatulog.
“Vien, may nakita na naman ako!” pinanlakihan pa ng mga mata ni Zeuter si Vienna.
“What? Is this some of your pranks? Hindi ka na nakatutuwa, ah!”
“No… No… Hindi ‘yon gano’n. Geez! Baliw na yata ako,” umiiling nang saad ni Zeuter.
Ayaw niyang paniwalaan ang lahat ng mga nakikita niya sa panaginip man o kung saan. Pero tila may nagtutulak na sa kaniyang may malaman pa. Ayaw niya dahil imposible ang lahat nang iyon.
Magics?
“I think I need to let my mother know what is happening to me?”
“Mas mabuti nga siguro, Zeu. Kinakabahan na ako sa ‘yo. Hindi na ito ‘yong una, ah!”
Napaisip si Zeuter. Maaaring hindi rin siya paniwalaan ng Mama niya. There is no possibilities that it all make sense. Wala ni isang makapagsasabi na ang lahat ng naiisip niya ay totoo. Baka mapagkamalan din siyang baliw lalo na at iyon din ang naiisip niya sa sarili.
“Oo nga pala. Zeuter,” pagtawag ulit ni Vienna sa atensiyon ng kaibigan. “Remember Lino?”
“Hmm, anong mayroon?”
“Before he passed away, I saw him looking intently at your house,” Vienna uttered.
Napakurap-kurap si Zeuter. Ilang linggo nang patay ang kaklase nilang iyon pero ngayon niya lang nalaman ang bagay na ‘yon. Kinilabutan siya nang umihip ang panghapong hangin sa kaniyang balat. Para bang may humawak sa kaniya kaya napatingin siya paligid nila.
“Ang creepy nga eh, kasi ‘yong ngiti niya kakaiba. No’n ko lang din nakita ‘yon,” dagdag pa ng babaeng kaibigan niya.
“That was creepy,” Zeuter said, petting his arm.
“Kakausapin ko nga sana kaso bigla na siyang pumasok sa bahay nila.”
Wala naman silang naging pagtatalo bago mamatay ni Lino. Binati pa nga siya nito nang birthday niya mismo kaya ano ang dahilan para tumingin siya ng ganoon sa bahay nila.
“That was your birthday, right?”
Tama. Hinding-hindi niya iyon makalilimutan lalo na at sa mismong kaarawan niya namatay ang kanilang kaklase. Doon na bumuhos ang ilang alala niya tuwing sumasapit ang kaarawan niya.
Simula nang mag-aral siya ay may namamatayan siyang kaklase. Hindi niya iyon masyadong iniisip noon dahil baka nagkakataon lang. Ngayon ay parang nagdududa na siya. Last year nang mag-birthday siya ganoon din ang nangyari.
Hindi man sinabi kung ano ang dahilan ng pag-su-suicide nito pero naiisip na niyang pareho lang sa nangyari kay Lino. He started to feel nervous.
Hindi niya mapagtanto kung bakit naisip niyang bigla na may kinalaman ang birthday niya sa pagkamatay sa mga dating kaklase. Ayaw niyang mag-isip nang ganoon pero hindi naman siya tinatantan ng mga alaalang iyon.
“No…”
Hindi iyon maaari dahil bago pa ang kaarawan niya ay may nababalitaan na ring may nagpapakamatay. Pare-pareho man ang dahilan pero ayaw nang isipin pa ni Zeuter na may kinalaman siya.
“I think that was your birthday,” Vienna said when she heard Zeuter.
Napahawak na lang si Zeuter sa kaniyang ulo. Gusto na niyang putulin ang lahat ng naiisip niya pero tila isa itong paulit-ulit na palabas. Ayaw siyang tantanan at parang hindi na matatapos pa.
“Wala akong kinalaman do’n.”
“Hoy, baliw, wala naman akong sinabi,” tumatangging ani Vienna.
Kahit nang makauwi na ang dalawang magkaibigan ay ganoon pa rin ang naiisip ni Zeuter. Ni hindi na niya pinansin ang bati ng ina. Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok sa kaniyang kwarto at muling naglayag ang isip sa mga nangyari.
“Anak,” kumatok ang kaniyang ina sa pinto ngunit sa lalim ng iniisip ni Zeuter ay hindi agad siya nakatugon. “Phire, anak.”
Sa pag-aalala ni Zeria ay binuksan na niya ang pinto. Lumapit siya sa kaniyang anak at hinawakan ito sa pisngi. Umawang ang labi ni Zeuter at napatingin sa kaniyang ina. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba sa ina ang bumabagabag sa kan’ya.
“May nangyari ba sa lakad niyo ni Vienna?”
Zeuter heaved a sigh before shaking his head. Pinilit na lang niyang alisin muna sa kaniyang isip ang pagkakaugnay ng mga namatay niyang kaklase sa kaarawan niya. Nahihibang lang yata siya.
“Nagluto ako ng paborito mo. Kain na tayo?”
“Maliligo lang po ako, Ma,” ngumiti si Zeuter sa huli.
“Alright. Isama mo si Ruza, ah?”
Ruza.
Nakaalis na ang Mama niya pero hindi pa rin siya kumikilos para gawin ang sinabi kay Zeria. Muli na naman siyang natulala at ibang bagay na ang laman ng isip niya. Ruza. Bakit ngayon niya lang naisip na iyon din ang pangalan ng prinsepeng lumabas sa isip niya.
Dumiretso ang tingin niya sa aso na alam niyang mahimbing na natutulog pero bigla na lang nagmulat ng mga mata. Sa gulat ay napaatras siya nang sa kaniya tumingin ang naging pulang mga mata ng aso. Para bang alam ng nilalang na iyon kung kailan siya titingnan.
“Ruza,” bulalas niya na mabilis tinahulan ng aso. “Ruza,” muling aniya.
“Kusa ka nang dinadala sa totoo mong pagkakakilanlan.”
Malalim at tila pamilyar na tinig ang kaniyang narinig. Alam niyang iyon ang boses na naririnig niya nitong mga nakaraan. Ang hindi niya mapagtanto ay parang narinig na rin niya iyon hindi lang sa isip niya.
Hindi na niya nagawang kausapin pa ang boses na iyon nang tumahol ang aso. Nang tingnan niya iyon ay umiling ito. Tila sinasabi na huwag na siyang magbalak dahil sasakit lang ang kaniyang dibdib.
“I’m going insane!”
Sinabunutan na niya ang kaniyang sariling buhok. Mula sa naukit na tryanggulo sa kaniyang dibdib at sa mga hindi kapani-paniwalang panaginip, naiisip na niyang hindi na talaga normal ang nangyayari.
Without thinking, he started to research mental illness. He was panicking. Hindi niya napapansing may tinatahulan na ang kaniyang aso.