5

1012 Words
“Sandali, Zeu, ang ingay ng aso mo,” ani Vienna sa kabilang linya. Hindi na nakatiis pa si Zeuter na tawagan ang kaibigan. Psychiatrist ang Mama no’n kaya susubukan niyang sa Mama ni Vienna sabihin ang lahat. Baka alam din nito ang gagawin sa kalagayan niyang hindi na normal. “Huh? Wait…” Napatingin si Zeuter sa kaniyang aso. Ngayon niya lang napansin ang ingay nito sa sobrang daming gumugulo sa isip niya. Nang lapitan niya ay kusang nahinto ang pagtahol ng aso. “Mamaya na lang ulit tayo mag-usap,” saad ni Zeuter at pinatay na ang tawag. Zeuter pet his dog. Nakatingin lang ito sa kaniyang bintana kaya napatingin din siya ro’n. Wala naman kahit anong mayroon doon maliban sa malakas na hangin na nililipad na ang kaniyang kurtina. “What’s wrong, Ruza?” Kahit sabihin pa lang ang pangalan ng aso niya ay nawiwirduhan na siya. Para bang prinsepe talaga ang tinatawag niya. Ang gulo-gulo na ng isip niya. “Mababaliw na ako kakaisip, Ruza. Ano ba talaga ang totoo?” Muli niyang kinausap ang aso kahit wala naman siyang makukuha ro’n. Hindi niya masabi kung tanggap ba niyang may kakaiba sa aso o nagbubulag-bulagan lang siya para hindi tuluyang maisip na may kakaiba rin sa mundong ginagalawan niya. “Malapit ka na nilang matunton. Ihanda mo ang sarili mo.” Ayon na naman ang malalim na boses sa kaniyang isip. Gulong-gulo na naman siya sa gagawin. Gusto niyang makausap ang boses na iyon pero natatakot siyang sumakit ang kaniyang dibdib. Baka maapektuhan no’n ang kaniyang puso lalo na at tumatagos hanggang doon ang sakit. “Anak?” Napatingin siya sa kaniyang pintuan nang marinig ang nanay niya. s**t! Maghahapunan na nga pala sila. Nawala na rin iyon sa isip niya dahil sa daming bumabagabag sa kan’ya. Kahit hindi pa naman nakakaligo ay lumabas na siya ng kwarto kasama ang aso. Mabilis siyang nanghingi ng tawad sa kaniyang ina dahil hindi agad siya nakababa. “Sigurado ka bang ayos ka lang, anak? Nag-aalala na si Mama sa ‘yo,” ani Zeria nang pababa na sila ng hagdanan. “Ayos lang po, ‘Ma,” pilit na ngiti ang huli niyang ginawa. SA kabilang banda, bago ang itinakdang araw para sa paglalakbay ng limang estudyante sa kabilang mundo ay muling nayanig ang kanilang paligid. Maraming sugatan at pilit tumatakbo para mailigtas ang kanilang buhay. Sari-sari ang sigawan at kung saan-saan na ang makikitang wala ng buhay. Marso. Ang buwan kung saan maraming bulalakaw ang sumisira sa kanilang mundo. Ito rin ang buwan ng kaarawan ng pangalawang anak ng Hari at Reyna ng Infelicis. Maraming nagsasabi na may sumpa ang bagong prinsepe. Maraming nagsasabi na kaya wala itong mailabas na kapangyarihan ay dahil ang mismong bulalakaw ang abilidad ng prinsepe. Marami ang naging haka-haka na wala namang tinugon ang mga nakatataas. “Ano ba, Lady Euc? Alam mo ang mangyayari sa ‘yo kapag tinamaan ka niyan!” sigaw ng isang prinsepe. Ang parke na binisita nila ay hindi nila inaasahang ganito ang magiging kahihinatnan. Ang mga nakatira sa ibabang parte ng palasyo ay limitado lang ang kakayahan kaya kahit ang pinakamaliit na bulalakaw ay hindi nila kayang labanan o ilagan. “Kailangan ko pa ring gamitan ng kapangyarihan ang paparating na bulalakaw dahil kahit tumakbo tayo ay hindi tayo maliligtas!” hinihingal na sabi ng tinawag na Lady Euc. Narinig iyon ng ilan nilang kasama kaya pati sila ay naghanda. Nagtakbuhan na ang mga sicile na hindi na kaya dahil sa dami ng tinamong sugat. “Huwag na huwag niyong ilalabas ang buo niyong kapangyarihan dahil mas lalaki ang Aparuah sa itaas. Naiintindihan niyo ba?” Malakas na saad Moonchrys. Mabilis na sumagot ang tatlong kaibigan niya na kasama niyang dumalaw sa ibaba ng Palasyo. Hindi niya alam kung magpapasalamat pa siya na hindi sumama ang isa pang prinsepe. Mas mahihirapan sila lalo na at hindi pa nila alam kung ano ang abilidad na mayroon ang prinsepe na iyon. Nang tuluyang bumagsak ang bulalakaw ay mas naapektuhan ang apat na magkakaibigan. Tumalsik sila kasama ng mga nasirang materyales ng bawat bahay. Nadaganan at kung hindi lang dumating ang ilang nakatataas ay tuluyan na silang hindi makababalik. Iyon ang huling bumagsak na bulalakaw makalipas ang ilang linggo. Maraming nawalan at nahirapang makabalik sa buhay lalo na at ang itim na reyna ay hindi sila hinahayaang gumamit ng kapangyarihan. Maraming nanghingi ng tulong sa mga hari at reyna ngunit dahil sa illegal at masamang kapangyarihan ng itim na reyna ay pati sila naapektuhan. “Hindi na tayo makakatagal pa kung magpapatuloy pa ‘to. Kailangan na nating gumawa ng paraan para masira ang aparuah,” ani Binibini Ozara, kinabukasan nang magtitipon-tipon sila. Kasama nila ang hari at reyna dahil marami na ring estudyante ang gustong mabigyan ng tulong. Nahihirapang magdesisyon si Binibini Ainswort. “Pupuntahan namin ang tagapagbantay para manghingi ng tulong. Ang lahat ng kawal ay amin nang pinapunta sa ibaba ng palasyo para tulungan silang maibalik ang kanilang mga tahanan.” Sa laki ng naging pinsala ng mga bulalakaw ay hindi sapat ang mga kawal ng palasyo. Hinihiling ng mga sicile na ilabas ang mga rerec at tsim. Sila rin kasi ang malaki ang maitutulong lalo na at isang kumpas lang nila sa kanilang kamay ay muling maibabalik sa dati ang nasira. “Hindi pa rin ba tumitigil ang itim na reyna? Masyado nang marami ang nangyayari sa ating lugar,” buntong hininga na saad ni Ginoong Lim. “Hindi pa. Hinihintay niyang gumamit ng kapangyarihan ang aking anak para makuha na niya ng tuluyan. Hindi niya palalagpasin ang ganito lalo na at iniisip niyang gagamitin natin ang aking anak,” tugon ng hari. Nahinto ang kanilang pag-uusap nang sunod-sunod na pumasok ang apat na pinakamatataas na estudyante akay-akay ang prinsepe. “Sobrang init po ni Prinsepe Ruthyst at bigla na lang pong umilaw ang kaniyang dibdib!” Nataranta ang lahat ng nasa silid. Mabilis nilang dinaluhan ang walang malay na prinsepe at agad itong pinahiga sa sahig. “Kaarawan ng prinsepe ngayon, Mahal na Reyna.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD