6

2338 Words
“Ano’ng ibig mong sabihin,” tanong ng Hari sa isang prinsepe na nakabuhat kay Ruthyst. “May bigla na lang lumapit sa amin kanina at kaniyang tinuran na may mangyayari sa prinsepe sa kaniyang kaarawan. Pagkatapos no’n ay bigla na lang pong lumutang an gaming kaibigan habang kami ay nag-aaral,” tugon ni Prinsepe Ocinth. “Ang noitang matanda baa ng iyong tinutukoy?” “Tama, Mahal na Reyna.” Nagsinghapan ang mga mage na kasama nila sa silid. Tiningnan nila ang walang malay na prinsepe at agad itong dinaluhan nang muli na namang umilaw ang dibdib. Hindi nila mawari kung ano ang mayroon sa anak na lalaki ng hari at reyna. Ayaw nilang gumawa ng senaryo dahil hindi iyon maaari lalo na at mataas na sicile ang kanilang kaharap. Isang prinsepeng hindi pa man ganap na nahuhulma ang kapangyarihan ay napakahalaga. “Kailangan na ring makausap ang tagapagbantay ayon pa sa matandang noita,” dagdag naman ni Lady Euc. Sumang-ayon ang lahat. Ang tanging nakakaalam lang sa nangyayari sa kanilang prinsepe ay ang tagapagbantay. Hindi lahat sinasabi sa kanila pero kailangan pa rin nilang subukan dahil mukhang hindi maganda ang kalagayan ng prinsepe. Maputla ito at pawis na pawis. Ngumingiwi ang labi kahit walang malay. Parang may iniindang sakit sa katawan. “Wala pa rin ba ang tagagamot? Hindi na maganda ang lagay ng prinsepe, Mahal na reyna,” ani ng isang prinsepe. “Ilang oras pa ang kanilang lalakbayin lalo na at nasa ibabang parte ng palasyo ang magagaling na tagagamot. Wala silang permanenteng lugar dito sa atin kaya kailangan nating maghintay.” “Kumuha na muna kayo ng tubig maliit na tuwalya upang ating ipangpunas sa aking anak. Masyado nang mainit ang kaniyang katawan.” Mabilis na nagsisunaran ang apat na estudyante na naghatid sa prinsepe. Nang maiwan ang mage, reyna at hari ay hinawi nila ang damit ng prinsepe. Kanina pa ito umiilaw kaya dahil sa kanilang pag-aalala ay kanila nang binuklat ang suot ng prinsepe. NAPUNO ng hiyawan at tawanan ang isang silid nang magbiro ang guro. Masayahin ang guro na iyon at talagang nakakaengganyo kapag siya ang nagtuturo. Nagbibiro man ay lamang pa rin ang natututunan sa kaniya. Isang binata ang natigilan nang may limang tao ang pumasok sa kanilang silid. Bukod tanging siya lang ang tumigil sa pagtawa. Pinagmasdan niya ang kaniyang mga kaklase at guro pero tila hindi nila napapansin ang limang tao. Agaw pansin ang lima na iyon kaya takang-taka ang binata kung bakit wala man lang pumapansin sa kanila. Hindi ugali ng mga teacher sa school na ‘yon na magsara ng pinto. Medyo may pagkapapansin kasi sila. Dapat daw laging nakabukas ang pinto para kapag dumaan ang Principal ay makikita silang nagtuturo at maganda ang tingin sa kanila. Kahit hindi naman talaga lahat ay nagtuturo ng maayos. Kapag dadaan ang Principal ay bigla-bigla silang tatayo tapos magtuturo ng kung ano. Hindi talaga nila napapansin ang bagong dating dahil tuloy lang sila sa kanilang ginagawa. Kadalasan ay kahit nasa labas pa lang ng pintuan ay nagagalit na ang mga guro kapag naiistorbo sila. Ngayon ay kakaiba. Lalong nangunot ang noo ng binata. “Ano’ng problema ng mga tao na ‘to?” Naguguluhan nang tanong ng binata. Hindi lang para sa limang pumasok sa kanilang silid kundi para sa mga kaklase niya at guro. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang may ma-realize. Ilanga raw nang usap-usapan ang nagmumulto sa kanilang paaralan. Ayaw niya iyong paniwalaan lalo na at wala pa naman siyang nakikita. Pero ngayon ay nagdududa na siya. Isang dahilan lang para hindi mapansin ng mga kaklase niya ang bagong lima na dumating. Multo ang mga ito! Napatingin sa binata ang limang multo o kung ano mang uri sila at sabay-sabay silang ngumisi sa kaniya. Ang creepy nila! Talagang kinilabutan ang binata at napahawak pa sa kaniyang braso. Para hindi na niya matingnan sa mga mata ang limang kung ano na iyon ay sa harap siya tumingin. Hindi na niya maintindihan ang sinasabi ng guro. "s**t! Baka kung ano na ang mangyari sa akin!" medyo lutang ko pang bulalas. Kahit gaano pa siguro kagagandang babae at lalaki ng limang iyon ay hinding-hindi na siya babaling sa kanila dahil sa takot. Kakaiba ang kaniyang nararamdaman lalo na at unti-unti nang umiinit ang paligid niya. Parang siya lang din ang nakakaramdam no’n kaya lalo siyang kinakabahan. Hindi na nga maganda ang nangyayari sa kaniya nitong mga nakaraang araw ay may dumagdag pa talaga. Hindi siya mapakali lalo na at ramdam niyang sa kaniya nakatitig ang limang nilalang. Para na siyang matatae na ewan. Natapos na lang at lahat-lahat ang klase ay wala man lang nakapansin sa kanila. Lalong nangatog ang binata nang tumagos lang sa lima ang kaniyang mga kaklase. Ngayon na talaga niya masasabi na multo ang mga iyon. Kakaiba dahil hindi man lang niya makitaan ng kahit anong dahilan ng kanilang pagkakamatay. Ngayon niya lang napansin ang kakaiba ring mga suotan nila. Para bang nanggaling sila sa makaluma. Isang itim at maluwag na kasuotan. Ngayon niya lang iyon nakita lalo na ang logo na nakaimprita sa bandang dibdib ng damit. "Tatayo na ba ako?" Bulong niya pa. Habang inaayos niya ang kaniyang mga gamit ay maya’t-maya ang tingin niya sa pintuan. Hindi na yata aalis ang mga iyon kaya ilang lakas ng loob ang kaniyang inipon. Alam niyang alam ng limang iyon na nakikita niya sila. Ilang beses na nakatinginan ng binata ang lima. Sana lang ay walang gawing masama sa kaniya. "Arg!" natataranta na niyang ungol. Napasinghap siya nang sabay-sabay naglakad ang limang multo papunta sa gawi niya. Taranta siyang tumayo at kinuha ang mga gamit niya. Nabangga pa siya sa limang multo nang tumakbo siya upang makalabas. “Amen!” paulit-ulit na sigaw niya. Hindi niya alam kung iyon ba ang dapat sabihin kapag nakakakita ng multo. Basta na lang niyang nasabi iyon kaya hinayaan na lang niya. Pero mukhang wala namang talab sa limang nasa harapan niya kaya mali siguro iyon. “Magsisimba na ako, please, huwag niyo na akong multuhin!” nangangakong wika ng binata. “Zeuter…” Sa mundo ng Infelicis ay hindi pa rin malaman kung ano ang gagawin sa Prinsepe. Nang hawiin nila ang damit ay tumambad sa kanila ang kakaibang ukit sa dibdib ni Ruthyst. Tila isang karayom ang ginamit kaya naghintay sila sa pagdating ng mga kaibigan ng Prinsepe. Sila lang ang makakapagsabi kung ano ang iba pang nangyari. Kung mayroon mang lumapit sa prinsepe para ukitan ang dibdib ay kailangang managot ng kung sinong iyon. “Walang dugo ang dibdib niya,” balita ng isang mage na tumingin ng husto sa dibdib ni Ruthyst. “Ngunit paano nangyari iyon? Malalim ang kaniyang sugat, kung sugat nga bang matatawag iyan,” kunot noong tanong ng babaeng mage. “Hindi ko masasabing sugat ang nasa dibdib ni Ruthyst. Kung titingnan niyong mabuti ay mayroong padron o disenyo ang naukit,” sagot ng lalaking mage. Isa-isang tumingin ang lahat ng nasa silid upang kumpirmahin ang sinabi ni Space Lim, isa sa lalaking mage. Sariwa pa ang naukit sa dibdib ni Ruthyst. Isang tryanggulo na mayroong maraming guhit sa paligid. Pamilyar iyon sa kanilang mga mata kaya matagal ang ginawa nilang pagtitig. “Hindi ba iyan ang simbolo ng Eras?” Maya-maya ay nagsalita si Camila Nalva, ang mage na nagtanong kanina. “Tama ang tinuran niya. Iyan din ang nakaukit na simbolo sa kaliwang pulsuhan ni Parsua,” pagpapatuloy naman ni Ozara Euma, ang huling babaeng mage. “Ano ang mga guhit sa paligid ng tryanggulo?” Tanong ng reyna. “Hindi rin po kami sigurado, mahal na reyna. Ang ukit sa dibdib ng inyong anak ay si Parsua lang ang makakagot,” magalang na tugon ni Estrella Aspera, isa pang lalaking mage. Dinala na sa silid tulugan ang prinsepe upang doon ipagpatuloy ang pagpapahinga. Ang mga kaibigan niya ang nagpunas ng maliit at basang tuwalya sa katawan ng prinsepe upang mabawasan ang init sa katawan niya. Ang hari, reyna at mga mage ay naglalakbay na papunta sa mundo ng Eras. Kasama nila ang maliliit na payri dahil sila lang ang nakakaalam ng daan patungo kay Parsua. Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ng mga naglalakbay. Kung ano man ang mayroon sa prinsepe ay hinihiling nilang lumabas na ang kapangyarihan niya. Hindi nila maiwasang isipin na iyon na ang simula para tuluyan nang malaman nila at lalo na ang prinsepe kung ano talaga ang kaniyang abilidad. “Narito na tayo,” sabi ng payri na may maliit ding boses. Kusang nahawi ang malaking bato sa kanilang harapan. Panibagong grupo ng mga payri na naman ang sumalubong sa kanila. Ihahatid sila kung saan maaaring makausap si Parsua. “Maligayang pagdating dito, mahal na hari at reyna, ikinagagalak ko rin kayong makita mga salamangkero!” tugon ng isang payri nang sila ay makapasok sa parang kweba. Nakarinig sila ng mabigat na dagundong. Nang lumingon sila sa kanilang likuran ay sumasara na ang kaninang nagbukas na bato. Bago iyon sa paningin ng apat na mage kaya namangha sila. Ngayon lang sila nakapunta sa ilalim ng lupa, ang mundo ng Eras. “Inaasahan na kayo ni Parsua. Pasukin niyo ang pinakadulong kweba at doon ay makikita niyo siya,” ani ng payri. Nagpasalamat ang hari at reyna at sinimulan na ulit maglakad. Naramdaman nila ang kaba sa hindi malamang dahilan habang tinatahak ang daan na sinabi ng payri. May kung anong pakiramdam sila na hindi magugustuhan ang kanilang malalaman. “Parsua,” malalim ang tonong wika ng hari. Hindi pa rin nagbabago ang dating ng babaeng nasa harapan nila. Hindi pa rin nila maramdaman o makitaan man lang ng emosyon ang mukha ni Parsua. Itim na itim ang mga mata, nasa tamang hulma ang ilong at ang labi ay hindi man lang umangat ang gilid. “Maupo kayo,” pati ang boses ay walang emosyon. Kikilabutan ang kahit sinong makakarinig sa malamig na boses ni Parsua. “Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa, Parsua. Ano iyong ukit sa dibdib ng aking anak? Iyon na ba ang simula nang paglabas ng kaniyang kapangyarihan?” Dalawang iling lang ang ginawa ni Parsua pero mabilis iyong naintindihan ng lahat. Umasa sila, sa totoo lang. Maraming nahihintay sa kapangyarihan ng prinsepe. Ngayong tumungtong ito sa ikalabing-walong edad ay maraming umasa na lalabas na ang kaniyang kapangyarihan. “Iyon ang indikasiyon na malapit nang masira ang mundo ng Infelicis. Ang aparuah ay malapit nang masira.” Napasinghap ang lahat. Talagang hindi nila inaasahan ang balitang iyon. Simula nang namatay si Ruza, ang pinakamalakas sa kanilang mundo, ay siya ring nabuo ang aparuah. Isa lamang itong maliit na bituwin ngunit nang daang-daang taon na ang lumipas ay hindi na nila masukat kung gaano iyon lumaki. “Dahil sa mga masasamang dasal ng itim na reyna ay nabuo ang aparuah. Alam niyo kung sino lang ang makakasira no’n, ngunit wala iyon sa ating mundo.” “Hindi ba kay Ruthyst napunta ang kaluluwa ni Ruza?” Umaasang tanong ni Camila. “Kaya madalas ang pagtangka ng itim na reyna na mapatay ang prinsepe?” Dagdag naman ni Ozara. “Nagkakamali kayo,” umiiling at nanlalaki ang mga matang saad ni Parsua. “Ang kaluluwa ng pumanaw na pinakamalakas na sicile ay napunta sa mundo ng mga tao!” “Parsua, hindi ka namin maintindihan!” “Makinig kayo,” naupo si Parsua sa kaniyang trono. “Simula nang masira ang barrier ng Eras, nagkagulo rin ang napuntahan ng mga kaluluwa. Dahil sabay na ipinanganak sina Ruthyst Pythor at Zeuter Phire, nagkapalit ang kanilang mga kaluluwa.” “Ang malakas na kaluluwa ay napunta sa tao, samantalang ang kaluluwa ng aking anak ay isang mortal?” Hindi makapaniwalang turan ng reyna. “Kaya ba kahit ano’ng sanay ng prinsepe ay hindi lumalabas ang kaniyang kapangyarihan?” “Iisa lang ang kaluluwa ng dalawa ngunit ang may kapangyarihan ay napunta sa tao. Sila ang magkapareha sa mundo ng Felix at Infelicis.” Naitakip ng hari ang kaniyang palad sa bibig. Hindi na niya magawang ilabas ang lahat ng kaniyang tanong. Nag-aalala siya sa magiging kahihinatnan ng anak dahil hindi maaaring nasa mundo nila ang mortal na kaluluwa. Mapapahamak iyon lalo na sa itim na reyna. “Ano na ang mangyayari sa anak ko, Parsua?” “Kailangan niyong itago iyon lalo na sa itim na reyna. Kapag nalaman niya ay maaari niyang kuhain ang kaluluwa ng iyong anak para tuluyan siyang lumakas.” Nagmamakaawang tumingin ang reyna kay Parsua. Lahat ay gagawin niya para sa kapakanan ng anak. Kung ano mang nararapat na gawin, kapalit man ang buhay niya ay gagawin niya. “Ang mundo ng Felix ay unti-unti na ring nauubos dahil sa mga ligaw na kaluluwa na naging itim. Pinapatay nila ang mga tao upang maging katulad din nila ang kaluluwa ng mga napatay nila.” Pati ang nalalapit na pagkawasak ng Infelicis ay sinabi rin ni Parsua. Kaunting buwan na lang ang natitira at kailangan nilang maidala sa kanilang mundo si Zeuter Phire. Samantalang ang kanilang anak na si Ruthyst ay kailangang maiwan. “Bakit si Ruthyst pa?” Naiiyak nang ani ng reyna. “Dahil silang dalawa ang muling nagkatawang-tao ng namayapa ninyong anak, ilang daang taon na ang nakalilipas.” Para mailigtas ang Infelicis, kailangang masira ni Zeuter ang pinakagitna ng Aparuah. Ang itim na mahikang nakapalibot doon ang pumipigil na makabuo muli si Parsua ng barrier. Oras na masira na ni Zeuter ang Aparuah ay kailangan namang makain lahat ni Ruthyst ang mga masasamang kaluluwa. “Kakayanin ba ng anak ko ang mga kaluluwang makakain niya?” “Oo, dahil siya lang ang tanging makakapagligtas sa Felix. Ang ukit sa kaniyang dibdib ang magiging kapsula ng makakain niyang mga kaluluwa.” “Iyon ang dahilan kung bakit nagkaroon siya ng tryanggulong ukit katulad ng nasa iyong palapulsuhan?” “Tama, salamangkerong Space Lim,” nakatangong tugon ni Parsua. “Maglalakbay ang limang pinakamataas na mga estudyante upang sunduin si Zeuter Phire. Kailangan nilang madala sa inyong mundo ang lalaki sa lalong madaling panahon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD