TEASER
"Oo, mahal kita pero hanggang dito na lamang dahil magkaiba ng landas na ang kailangan nating tahakin. Pero maghihintay pa rin ako sa iyong muling pagbabalik. Makakaasa kang tunay at tapat ang pag-ibig ko sayo sa taong lilipas." Turan ni Daion kay Suji.
"Pero Daion?" Sagot nito. Pinagsaklop niya ang kanilang kamay.
"Magtiwala ka Suji, pangakong babalik ako. Para sa'yo, para sa atin." Wika niya bago tuluyan halikan si Suji.
Napabuntong hininga si Daion ng maalala niya ang nakaraan niyang kasama si Suji, malaki ang naging parte nito sa kanyang buhay. Kaya ngayon ay handa na siyang muling harapin ito, pagkalipas ng sampung taon. Ngunit paano niya ito hahanapin gayon hindi niya tuloy kung nasaan na ito naroon ngayon?