bc

Dela Marcel I: Kiella Fifth

book_age16+
17
FOLLOW
1K
READ
HE
heir/heiress
drama
bxg
addiction
like
intro-logo
Blurb

A Dela Marcel Series written by Sinyorakate.

Kiella Fifth Dela Marcel, the very first installment to the series.

Keilla fifth has everything that life has to offer. A good relationship, money and a family that loves her so.

Everything is perfect until that one mistake.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Kiella, I'm sorry..." "Why are you saying sorry? It's not like you did something wrong," sabi ko kay Chad, ang dalawang taon kong boyfriend. Umiwas siya ng tingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya pero hindi ako nagsalita. Nitong mga nakaraang araw ay ramdam ko ang panlalamig niya. Hindi ko alam kung ano ang pagkukulang ko pero pilit ko siyang iniintindi dahil mahal ko siya at baka nagkakamali lang ako. Baka masyado lang siyang busy. "Hindi ko naman sinadya... Kiella hindi ko ginusto," lalong kumunot ang noo ko sa mga sumunod niyang sinabi. Hindi ko siya maintindihan. Hindi niya sinadya ang alin? Hindi niya ginusto ang ano? Naguguluhan ako ngunit tahimik ko lang siyang tinignan dahil wala akong masabi. Isama mo pang wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Yumuko siya at maya maya ay umalon na ang likod niya. "Chad, what's wrong?" "Hindi ko sinadya, Kiella. Hindi ko alam kung paano nangyari... D*mn it!" naihilamos niya ang mga kamay sa kaniyang mukha. Mas lalong yumugyog ang mga balikat niya. Hinawakan ko ang balikat niya at marahang hinimas upang bigyan siya ng comfort. Nilingon niya ako habang may luha ang kaniyang mga mata. Hinuli niya ang aking kamay at tinignan habang nagsusumamo. "Nakabuntis ako..." "I'm sorry, K. I'm sorry... I didn't mean to..." nanigas ako sa kinauupuan ko ng marinig ang mga katagang iyon na lumabas sa bibig niya. Ilang beses kong kinastigo ang sarili ko na baka nagkakamali lang ako ng pagkakarinig... hindi totoo ito pero ang pagyugyog ng balikat ni Chad at ang paulit ulit niyang paghingi ng tawad ang nagsilbing pintuan sa katotohanan. Wtf! Tumulo ang luha ko. Pilit akong ngumiti na parang biro lang ito pero sa sobrang sakit, hindi ko napigilan ang paghagulhol ko. Lumapit siya sa akin, paulit ulit na humihingi ng tawad pero itinulak ko siyang palayo sa akin. Napaupo siya sa sahig habang paulit ulit ang paghingi parin ng tawad. Sinubukan siyang aluin ako pero hindi ako nagpatinag doon. "Talk to me, K... Sa'y something," umiling ako. "Get off me! D*mn you! Anong gusto mong sabihin ko? Congratulations?" galit kong turan habang patuloy parin sa pag-iyak. Pilit parin niya akong niyakap hanggang sa nanghina ako dahil sa sobrang sakit. Wala akong lakas itulak siya. Ang naging depensa ko lang ay ang paulit ulit siyang murahin. Hindi ko inaasahan ang pagdating nito. Hindi ko inaasahang mangyayari ang mga bagay na ito. Taon ang tinagal namin at buong akala ko kami na talaga. Umasa ako. Naniwala. Ang sakit lang isipin na pagkatapos ng ilang taong pinagsamahan niyo, mauuwi lang kayo sa hiwalayan. Mauuwi sa lahat ang relasyong binuo niyo. "Ilang buwan..." tanong ko ng makalma ako. Wala na siya sa aking tabi kaya nilingon ko siya. Halata sa mukha niya na hesitant siyang sabihin sa akin pero nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung tanga ba ako o sadyang masokista lang. Alam kong masasaktan ako sa ginagawa ko pero heto ako at nagtatanong parin na parang walang sugat na magdurugo lalo sa magiging sagot niya. "Two... Two months," kinagat ko ang labi ko ng mamasa na naman ang aking mga mata. Binuka ko ang bibig ko upang sumagap ng hangin dahil pakiramdam ko ay punong puno ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Two months. Two f*cking months... "Go," sambit ko. Halos hindi ko marinig ang boses ko sa sobrang hina ng pagkakasabi ko. Ang sakit malaman na nakabuntis siya pero wala ng mas sasakit pa sa kaalamang halos dalawang buwan niya na pala akong niloloko. Kung ganito lang rin pala ang mangyayari sa amin bakit hindi nalang siya nakabuntis agad? Kung sa huli ay maghihiwalay rin kami bakit kailangan pa naming magkita at magkakilala? Kung masasaktan lang rin pala ako sa huli, sana hindi ko na siya nakilala pa. Nanlalaki ang mga mata niya. "No. We're going to talk. Hindi ko ginusto iyon. Ikaw ang mahal ko—" It's ironic how I want him to go, but I'm assuming otherwise. How my heart rejoiced in that simple 'I love you' and hurt at the fact that he'd got another girl pregnant. I want him to stay. I want to be selfish. Mahal niya naman ako, eh. Ako naman, eh, pero hindi ko kaya. I wasn't born selfish. I can't be selfish lalo na at hindi lang naman kami ang involve. May bata. "Kung ako ang mahal mo hindi ka makakabuntis. Just go, Chad. I don't want to see you again..." I can't understand love. I can't understand how it moves. Kung tunay nga itong makapangyarihan, paano nila nagagawang makagawa ng kasalanan? Paanong bigla nalang nawawala ang pagmamahal? Bakit may mga taong nangiiwan... nananakit? Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan. All I know is, that my heart is bleeding because I loved too much. Umiling ako at pilit iyong tinatanggal sa aking isipan. Kung sana lang madali ring tanggalin sa puso ang pagmamahal. Kung sana ganun kadali ang lahat. But then, sino bang niloloko ko? Love itself is chaos. Walang madali sa salitang ito pero ang pinakamahirap ay hindi ang problemang pinagdadanan, niyo kung hindi ang lumimot sa taong minsa'y pinagalayan mo ng lahat. Pumikit ako ng malasahan ang alak. Parang apoy itong sumusunog sa lalamunan ko. Isama mo pa ang pait nito. Bakit ko ba naisipang uminom? Bakit ba ako nasasaktan? Umiling ako. Nababaliw na ata ako. Nagmahal lang naman ako. Ginawa ko naman ang lahat pero bakit ganun? Bakit ako parin ang nasasaktan? Kung tinanong niya ako ibibigay ko naman, eh. Handa naman na ako but he didn't ask! Hindi niya ako inaya at masakit malaman na sa ibang babae niya pala kinukuha ang mga pangangailangan niya! Inis kong pinunasan ang luhang naglandas sa aking pisngi. Nakakapagod umiyak pero mas nakakapagod masaktan. Bakit ba parati nalang ako? Pangit ba ako? Masama ba ang ugali ko? Bakit ganun— "You're pretty. That's undeniable," kunot noo kong nilingon ang katabi ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil sa ilaw sa likuran niya. Kumurap kurap ako at yumuko nalang. Ugh! Kung hindi ako pangit, bakit parati akong sinasaktan? Bakit parati akong iniiwanan? Bakit? Umirap ako at umiling, "Kung maganda ako... Bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako sinaktan?" "He's a jerk, then. Ang babaeng kagaya mo, hindi dapat iniiwanan," umiling ako sa kapreskuhan niya. Kung makapagsalita siya akala mo kilalang kilala na niya ako. Inisang lagok ko ang alak sa harapan ko bago tumayo. Hindi pa man ako nakakahakbang ay pakiramdam ko umiikot na ang mundo ko. Wtf! Nakakailan palang ako! I tried to walk again ngunit mas lalo kong naramdaman ang pagkahilo. Kung hindi lang ako inalalayan ng katabi ko ay malamang nasubsob na ako sa sahig kanina pa. "Easy," rinig kong sambit niya. Pumikit ako ng umalingawngaw ang malakas na beat ng musika. Naghiyawan ang mga tao sa loob ng bar. Hindi ko alam kung anong nangyayari dahil nakapikit ako. Naramdaman ko na lamang ng nabasa ako. Marahas kong dinilat ang mga mata ko. Nanlalaki ang mga mata ko ng makitang hindi lang ako kung hindi ang buong club ay umuulan sa alak. Pakiramdam ko ayay mas nahilo ako dahil sa amoy ng alak. "You okay?" "What do you think?" sarkastiko kong balik tanong sa kaniya. Nilingon ko ang paligid. Humawak na ako sa sintido ko dahil sa sobrang hilo. Gusto ko ng umuwi. Hindi ko na nakayanan pa ng may umambon na naman na alak. Napasandal ako sa kaniya sa sobrangand hilo. "Want me to take you home?" tumango na lamang ako. Inalalayan niya ako palabas ng bar. Pikit na pikit ang mga mata ko dahil sa hilo. Hindi ko na alam kung saan kami nagsususuot, ang alam ko lang ay uuwi na kami. Nakaramdam ako ng ginhawa ng makahinga ng tunay na hangin. Idinilat ko ang mga mata ko ngunit parang may kung ano sa tiyan ko na gustong lumabas. Kumapit ako sa kaniya ngunit lumayo ako ng konti upang mailabas ang kung anuman iyon. "Are you okay?" tanong niya. "I am, obviously..." nahinto ako sa sasabihin ng may lumabas na naman. Patuloy ko lang iyong ginagawa hanggang sa nailabas ko na lahat ng nasa loob ng tiyan ko. Inangat ko ang sarili ko at sumandal sa kaniya. Naramdaman ko na lamang na may pumupunas sa labi ko. "Here..." dinilat ko ang mga mata ko at nilingon kung ano mang inaalok niya. Nakita ko ang isang bottled water. Kinuha ko kaagad iyon at ginawang mouth wash. "Why are you helping me, Mister?" tanong ko ng mawala ang kaonting kalasingan. Nilingon ko siya. I suddenly caught my breath when I found him looking directly at me. Nagawa kong titigan ang mukha niya kahit pakiramdam ko ay hindi lang siya basta nakatingin sa akin kundi sa buong pagkatao. He's undeniably handsome. From his eyes, his pointed nose down to his devilishly sexy lips. Now, I'm wondering if he happens to have foreign blood because he really looks like one. "Don't know," sagot niya sa tanong ko. He's inches away from me and moving his mouth didn't help. I bit my lower lip as I looked away. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay gusto ko siyang halikan. Pilit akong kumawala sa kaniya. I thought I could finally stand on my own and I did, but when I moved, I found myself being held by his steel-like arms. "Easy," anas niya dahilan kung bakit nilingon ko siyang muli ngunit halos pagsisihan ko iyon ng maramdaman kong may dumampi sa labi ko. Parehas kaming natigilan. Bahagya akong umatras upang magbigay ng distansiya ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay naramdaman kong muli ang pagdampi non, this time, hindi na iyon aksidente.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
24.7K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
788.9K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.3K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
560.1K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.9K
bc

The Lone Alpha

read
123.2K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook