Alam kong kahit ano pa ang gawin ko ay nakilala na niya ako. Ilang araw na ang lumilipas at kahit gaano ko katagal isipin o pagplanuhan ang mga sasabihin at gagawin ko ay takot ang nararamdaman ko.
Dinukdok ko ang mukha ko sa manibela ng sasakyan ko. Kanina pa ako nandito at hanggang ngayon ay hindi parin ako bumababa. Mabuti na nga lamang at hindi na ako hinatid pa ng mga kapatid ko.
Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng ibang salamin. Bahala na. Ang nasa isip ko kanina ay paninindigan ko nalang ang mga pinaggagagawa ko pero heto naman ako ngayon at ni hindi makaalis ng sasakyan.
Lumingon ako ulit sa may gate. Ilang minuto nalang ay magsisimula na ang klase.
Huminga ako ng malalim at unti unti na ngang lumabas. Lahat ng madaanan kong tao ay agad akong nilingon. Hindi ko na lang sila pinansin at tinahak ang daan papuntang room.
Kaya ko ito. Hindi ko alam kung bakit siya naghahabol sa akin o kung bakit ako ang wallpaper niya pero isa lang ang alam ko. Ang nangyari noong gabing iyon ay isang malaking pagkakamali.
Napansin kong nag-bubulungan din sila pagkatapos akong tignan. Gusto ko mang magtago o magsuot ng salamin ay hindi ko na magagawa pa.
Malapit na ako ng maramdaman ko ang di pamilyar na pagkabog ng dibdib ko na parang mag nagkakarerang kabayo doon. Napakamot nalang ako sa buhok ko.
"You are showing too much skin. Those thighs are for my eyes only." nagtaasan ang mga balahibo ko sa batok ng marinig ko ang boses na iyon.
Lalong lumakas ang tambol sa dibdib ko. Namamawis na naman ang mga kamay ko. Unti unti ko siyang nilingon kahit kilala ko na kung sino siya.
Ano bang sasabihin ko?
Dapat ba akong mag-hi sa kaniya?
Nakatayo lang ako sa harap niya at walang salitang lumabas sa akin. D*mn! I don't know what to do! Takbuhan ko nalang kaya siya ulit?
This is f*cking killing me.
"H'wag mo nang isiping tumakbo. I already know who you are. I can easily find you wherever you may go. I gave you days to think..." he said using a voice that I don't recognize.
Halos mapaatras ako dahil doon. Th way he looks at me, it gave me shivers. Ngayon, mas lalo akong nagsisisi sa mga nangyari.
"Ano ba kasing kailangan mo sakin?" tanong ko sa kaniya noong magkaroon ako ng boses.
Di'ba dapat thankful siya kasi nga may nakuha siyang babae no'n? Kailangan ba niyang sundan pa ako? Ganun din ba siya sa lahat ng babaeng nakakasalamuha niya o naikakama niya?
Hinahanap niya?
"I told you. You're mine." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Ang alam ko lang ang nagyari noong gabing iyon, ang pagseduce at pagalay ko ng sarili ko sa kaniya pero walang parte sa isip ko na ako ay sakanya.
"Nasisiraan ka na ba? I am not yours. I will never be. Hindi ako lauran na pwede mong angkinin. That night is a mistake. Sa dami ng babae mo idadagdag mo pa ako?"
Tinulak ko siya upang makadaan ako dahil nakaharang siya sa daanan ko. Parang sasabog ang isip ko sa mga pinagsasasabi niya.
Ngayon lang ako naglakas ng loob dahil bakit pala ako matatakot? Dela Marcel ako!
He grabbed my hand at hinarap ulit sa kaniya "Go, Kiella. Iwan mo ko at hindi ako magdadalawang isip na pumunta sa bahay niyo at ipaalam sa Daddy mo ang nangyari sa atin." a smirk formed on his lips.
Ang inipon kong lakas ay bigla na namang gumuho.
Walang bakas ng kahit anong biro sa mukha niya at sa paraan ng pagkakasabi niya ay alam kong gagawin niya iyon.
"Are you blackmailing me?" hindi makapaniwala kong sabi ng magsink in sa utak ko ang sinabi niya.
"Kung iyon ang tingin mo doon then, yes baby, I'm blackmailing you." inis kong hinablot ang kamay ko.
D*mn!
"Don't ever think of anything 'cause I will make you mine." sambit niyang muli.
Sa guwapo niyang ito, hindi ko alam na baliw siya! Ugh!
"Ano ba kasing kailangan mo! Sabihin mo at ibibigay ko para manahimik ka na!" pinipilit kong hinaan ang boses ko. Sobra-sobrang takot at galit ang nararamdaman ko ngayon.
Kahit gusto ko siyang bulyawan ay hindi ko magawa dahil natatakot akong may makarinig.
Kanina pa kami pinagtitinginan. Ayaw kong isipin nila na nag-aargumento kami.
"Kailangan ko?" tumaas ang kilay niya kasabay ng pagsilay ng ngiti sa isang sulok ng labi niyang napakasarap burahin.
Naglakad siya palapit sa akin. Gustuhin ko mang umatras ay hindi ko magawa dahil para akong naestatwa.
Huminto lamang siya ng magdikit ang mga dibdib namin. "Ikaw ang kailangan ko. Kaya mo bang ibigay?" nanghahamon ang tono ng boses niya.
Nawalan ako ng sasabihin dahil doon. Hindi ko parin maisip kung bakit ako. Ano bang nagawa kong mali at bakit nagkakaganito ang sitwasyon!
"Wag mo ng isipin pang mabuti dahil kahit tumanggi ka ay akin ka parin. That's what you've got from seducing me, baby. You are now mine—"
"I hate you so much!" itinulak ko siya palayo sa akin. "I hate you!" may diing sambit ko.
Hindi ko mapigilang sabihin sa kaniya ngunit naghahamom parin ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Gusto ko ng umiyak at gusto ko ding ipalo ang T square ko sa kaniyang buwisit siya.
"Hate me. Despise me. Know what? I don't care as long as you're mine. You're mine even if you hate me. Baby, you're mine." iniwan niya akong nakatanga doon.
Pinagtitinginan ako ng iba pero ngayon wala akong pakialam sa kanila. Feeling ko naubusan ako ng energy sa pakikipagusap sa kaniya.
Ngayon ko lang ulit naisip na sobrang tanga ko talaga. Bakit ba kasi sa lahat ng lalaking makakasalubong ko ng gabing iyon ay siya pa?
Dehadong dehado ako ngayon.
Dela Marcel?
Nasaan ang inipon kong tapan? Anong gagawin ko?
Sobrang conservative ng pamilya ko pagdating sa akin. Siguro dahil nag-iisang babae ako at bunso pa. Kapag nalaman nila ito, hindi ko alam kung anong gahawin nila sa akin.
Si Chad...
Kasalanan niyang lahat ito. Kung hindi dahil sa kaniya ay wala ako sa sitwasyong ito!
D*mn!