"Anak, walang masama sa desisyon ng anak ninyo. Hindi na rin nakapagtataka kung doon niya gustong mag-aral kaysa rito sa bansa natin. Maaring mga alagad ng batas ang iba niyang pinsan na babae in both sides pero iba pa rin ang sa kaniya. Let her enjoy her adolescence," pahayag ni Grandma Lynne na agad ding sinundan ng asawa. "Tama ang Mommy ninyo, Janellah Pearl at Jameston. Hindi rin siya masaya pilit lamang. At mas huwag ninyong isipin na may masabi ang mga kapatid at pamangkin mo, Janellah anak. Dahil mas matutuwa pa sila dahil papaano ay may makasama ang anak ninyo sa Harvard," anito. Kaso sa pahayag ng mga ay si Jameston na mismo ang sumalo. Siya rin naman ang nakaisip sa bagay na iyon kaya't sinalo na niya ang asawa sa pagsagot. "Actually, ako po ang nag-iisip ng ganyan, Mommy, Da

