"Lt Smith, tawag ka ni General," pukaw ng isang kasamahan ni Jervin. "Bakit daw, Sir?" tanong niya at bahagyang iniangat ang mukha. "Ikaw naman, Lt Smith, para kang naninibago. Alam mo namang kapag mga ganyang bagay ay hindi basta-basta sinasabi. Isara mo na iyan at puntahan mo." Napailing ang kapwa opisyal ng Camp Villamor. Totoo naman kasi ito. Minsan pa nga ay isinusulat nila ang bawat mensahe or nag-uusap-usap sila through written communication. Upang maiwasan ang anumang leakage ng mga impormasyon. Isinara niya ang kaniyang laptop at inayos ang lamesa niya bago nagtungo sa General's Office. "Pasok, bukas iyan," dinig niyang wika ng heneral nang kumatok siya. "Hand salute!" "Carry on, Lt Smith. Close the door and have a sit." Sinunod niya ito. Isinara niya ang pintuan bago mulin

