"Stop worrying now, Honey. Tutulungan natin sila sa abot ng ating makakaya. She will surely survive, Honey." Pang-aalo ni Zack sa maybahay niya. "Alam mo bang naiinggit ako kay kambal dahil sa lakas ng loob niya. Ngunit dahil diyan ay madalas nasa panganib ang buhay niya. Ako ang nasasaktan sa nangyari sa kanilang mag-asawa, hon," anito. "Alam ko iyan, hon. Dahil sa bawat pasakit niya ay nagkakaganyan ka. Bukod sa kambal kayo ay iisang pamilya kayo nanggaling. Normal na ang mag-alala but please calm yourself now." Hinaplos-haplos niya ang likuran nito. Totoo naman kasi, maaring hindi sila agad nakasugod sa Baguio kung saan naroon ang kambal niya. Ngunit ito ay sa kadahilanang kahit siya ay nagka-epekto. Siya ang unang nakaramdam sa sakit na pinagdaanan nito. Kaya't agad-agad siyang tuma

