Few years later... Ilang taon na ring ikinasal ang Marya Clarang may sungay. Masaya na ito sa piling ng asawang si Martin Luther Miller. Ang kambal ay binata pa rin. Ngunit si Jerwayne ay tinotoo ang biro, nilagawan ang ampon ng mga ninuno. Kaso mukhang binilinan ng mga ninuno na pahirapan ito. "Mukhang basted ka na naman, kambal," ani Jervin sa kambal na hindi maipinta ang mukha. "Pasasaan ba at makakamtan ko rin ang matamis niyang oo, kambal. Aba'y aba'y matagal na tayong nalagas sa kalendaryo ngunit wala pa tayong asawa. Ang Marya Clarang may sungay ay may paparating na namang baby," sagot niya. Well, hindi naman sa wala silang friendship, pero talagang malapit silang dalawa sa isa't-isa. Kaya't wala rin silang inililihim sa isa't-isa. "Huwag kang maingay, kambal. Pero may sasabi

