As the years goes on! "Ermitanyo ko, sino kaya sa mga apo natin ang susunod na mag-aasawa? Kay Jameston ay wala pa, kina Carrey Angeline at Daylan pa lamang." Isang gabi habang namamahinga ang mag-asawang Oliver JR at Lynne. "Iyan ang tanong na hindi ko masasagot, hon. Dahil kagaya ni Oliver Carl na halos patayin ang sarili noon ay mayroon ng triplets. Triplets ang ina niya, ganoon din sila at siya, mayroon siyang mga anak na triplets. Again, sa tanong mo ay wala akong maisagot dahil si Darlene ay nandoon na rin sa Mama Precious Jennifer niya. Itong si MaZel(shor of Maria Liezel) ay inunahan na ni Oliver Carl. Baka magkatotoong hindi na magkaasawa dahil inunahan na ng nakababa niyang kapatid," pahayag ng Ginoo. "Tak! Tsk! Naniwala ka naman sa bagay na iyan? Nasa modern technology na tay

