"Dad, what happen? Maayos naman po kayong iniwan namin kaninang umaga," agad na tanong ni Janellah Pearl sa amang panay ang tingin sa emergency room kung saan naroon ang mahal na asawa. "Ang sabi niya ay nahihilo siya, anak. Kako kumapit muna sa akin at tawagin ko ang driver ni Jerwayne. Kaso bago pa ako makahakbang ay nawalan na siya ng malay. Kung hindi ko pa siya naagapan ay baka tumama ang ulo niya semento," pahayag ni Grandpa MJ. "Ah, saglit lang po, Daddy. May sakit po ba si Mommy na hindi natin nalalaman? Kasi araw-araw naman po tayong magkakasama kaso wala akong napansin. Nakakabigla po ang nangyari," saad na rin ni Jameston. Kaso tulad nang isinagot nito asawa niya ay napailing lamang din ito bago nagsalitang muli. "Wala akong masabi sa bagay na iyan, anak. Dahil tama ka, wala

