Dainsleif Shiann’s Pov “Alam kong hindi magiging madali ang gagawin mong ito pero ito lang ang nakikita kong paraan para mailigtas natin si Heydrich,” sambit ko kay Graysean matapos knong ipaliwanag sa kanya ang kalagayan ng kapatid. “Only the blood of the half-blood will be the only thing that could save her.” “At hindi lang basta dugo ng isang half-blood,” sabi niya. “It should be the blood that is related to her. But since I am still not that strong enough, my blood is also not enough to kill all the virus inside of her body.” Tumango ako. “And that gives us the last thing we could do,” aniya. “I have to find Liya and Keya. Or our father.” Masyado nang nabubugbog ang katawan ni Heydrich dahil sa dami ng barrier na naka-connect sa kanyang katawan. Hindi nito kinakaya ang mana na kin

