Mai’s Pov (A Seirei Guide) Alam kong hindi madali ang pinagdadaaanan ng dalawang taong ginagabayan ko ngayon. Alam kong sa mga pagkakataong ito ay iniisip na nila na pinahihirapan lang sila ng tadhana mula nang magsimula ang kanilang buhay. Alam kong sa mga oras na ito ay kinukwestyon na nila kung bakit pilit silang pinaglalayo ng tadhana. And I can understand their frustration over that. Dahil kahit kailan naman talaga ay hindi naging patas ang tadhana. Kailanman ay hindi nito hinahayaan na maging masaya ang mga taong nabiyayaan ng malakas na kapangyarihan dahil para sa kanya ay kapag naging masaya ang mga ito ay magagamit nila ang kapangyarihan na mayroon sila sa mga bagay na hindi makakatulong para sa mga taong nasa paligid nila. Yes, fate is never really fair. Kahit pa hindi nam

