Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov Dahil masyadong marami ang nangyari kahapon ay tinamad akong pumasok. Nag-decide akong mag-stay muna dito sa mansion. Si Zeri lang ang mag-isang pumasok ngayon. May mga trabaho pa siyang aasikasuhin sa office ni Xan kaya wala talaga siyang choice. At ako, abala sa mga librong hinahalungkat ko dito sa library ng mansion. Tingin ko kasi ay hindi naman tumigil ang angkan ko sa pagtatala ng kasaysayan ng buong Valier. Well, mas madali namang alamin ang mga nangyari noon mula sa alaala ni Kei pero mahirap naman ang proseso noon lalo na't masyadong marami ang mga alaalang ipinapasa nito sa akin. Hirap akong i-absorb ang lahat ng iyon kaya ang resulta ay ang pagkawala ko ng malay. Kaya sa ganito muna ako magsisimula. And fortunately,

