Heydrich Oxen Pria Ehrenberg's Pov "They will come after you." Iyan ang huling sabi sa akin ni Lutia bago niya ako iwan dito sa rooftop. Agad din kasi siyang nagpaalam dahil may limitasyon lang ang brainwashing spell na kanyang ginamit kanina na naging dahilan kung bakit walang nagtangkang magtanong kung sino siya at kung bakit biglaan ang pagiging substitute professor niya. Kaya naman naiwan akong mag-isa dito sa rooftop habang iniisip ang sinabi niyang iyon. Sigurado kasi akong hindi ang mga Shiann ang tinutukoy niya. Alam ng mga nasa palasyo na hindi nila ako basta mapapakialaman at lalong hindi nila basta masisira ang angkang pinanggalingan ko. They are wary about my existence in this era and country but they are aware that they cannot do anything to me. Kaya minamanmanan l

