Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Dahil masyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari ay agad kong hiniling sa matandang humarap sa akin na ipaliwanag ang lahat. Pero bago ang lahat ay nagpakilala muna siya sa akin bilang si Orlean Ehrenberg, ang pinuno ng mga mortal na naninirahan sa paanan ng bundok na tinatawag sa panahong ito bilang Mortelle Mountain. At sa apelyido pa lang ay masasabi ko na’ng siya ang pinagmulan ng lagi ng angkan na kinabibilangan ko. Pero may bagay akong ipinagtataka tungkol sa kanya. Isa lamang siyang hamak na mortal? Kaya paano naging parte ng monarch vampire ang mga Ehrenberg at nagtataglay pa ng isang malakas na kapangyarihan? Pero syempre, hindi ko pa iyon maitanong sa kanya dahil sinimula niya ang pagkukwento sa unang kasaysayan ng ba

