Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov I have to do something… Pilit kong inaalala ang lahat ng spells na aking nabasa sa mga spell books na isinulat ni Mommy. Baka sakali na mayroong isa doon na maaaring makatulong sa amin para makapunta sa anak ni Orlean. But damn it! Wala akong maisip. Ang naiisip ko lang kasing paraan ngayon ay sugurin ang mga bampira na nakapalibot sa buong baryo. Pero hindi magiging maganda ang epekto kung gagawin ko iyon. Siguradong magtataka ang mga noble vampire kung bakit hindi na bumalik ang kanilang mga tauhan kaya pilit ko iyong inaalis sa aking utak. “Why don’t you use vela?” biglang sabi ni Wayne na ikinalingon ko sa kanya. “Gamit ang spell na iyon ay magagawa mong makaalis sa bahay na ito nang hindi napapansin ng mga bampira sa l

