Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov To be honest, plano ko na dapat kausapin ang mga mortal na naninirahan sa building na ito dahil sa hindi tamang pagtrato nila kay Sinji. Pero bago ko pa iyon magawa ay agad na akong pinigilan ni Leora. Nagkamaawa pa nga siya na palipasin ko na lang dahil aalis an din naman si Sinji dito pagkatapos kong balutin ng barrier ang buong lugar. Kaya napabuntong hininga na lang ako at ipinagpatuloy na ang pag-aasikaso sa mga talisman na ilalagay ko sa buong lugar. Pero hindi kasi okay sa akin ang ginawa nila kay Sinji. Yes, he is different and his race is unknown to everyone of us pero hindi tama na tratuhin nila na para bang halimaw ang taong iyon gayong wala naman itong ipinakita sa kanila na masama. At porket ba may kakayahan itong pumatay ng mga kalaban

