Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Matapos kausapin ni Graysean sina Leora at Sinji ay agad nila akong kinausap para sabihin sa akin ang kanilang naging desisyon. At tulad ng inaasahan ko ay agad silang pumayag sa plano ko. Nabanggit na din nila sa akin na nakausap na nila ang iba pang miyembro ng Mall council at pare-pareho ding pumayag ang mga ito na umalis sila. Basta kailangan ko lang siguruhin na magiging ligtas ang buong area sa mga kalaban na magtatangka na umatake sa kanila. Kaya naman agad kong tintrabaho ang mga talisman na gagamitin ko para sa barrier na ilalagay ko sa buong lugar. “You are really gotten stronger, Heyd,” sambit ni Leora na siyang tumutulong sa akin sa pag-aayos ng mga talisman. “I heard that it was you who restored the barrier at the foot of Cory Mountain.”

