Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov "Nalibot ko na ang buong area," sambit sa akin ni Graysean nang makabalik sa akin matapos niyang ikutin ang buong area ng mall. "What do you think?" tanong ko sa kanya. "May magagawa ba tayo para mapanatiling ligtas ang buong area kahit wala dito sina Leora at Sinji?" "Nabarikadahan na nila ang lahat ng entrance at exit sa buong mall," aniya. "Kahit iyong mga full length window sa first at second floor, may barikada na din na hindi basta masisira." "What about the rooftop?" "Iyan nga ang isa sa mga dapat bantayan," sabi niya. "Walang kahit na anong proteksyon ang rooftop. Iyong dinaanan mo naman papasok dito ay hindi masyadong nababantayan." "Then, ang dalawang iyon ang kailangan nating pagtuunan ng pansin." Sa totoo lang, may naisip na akong paraa

