Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Alam kong hindi madali ang choices na inilatag ko sa mga babaeng lumapit sa akin pero kung gusto talaga nila na lumaban sa mga shiann vampire at panatilihing ligtas ang buong community na ito, ang pagiging bampira lang ang nag-iisang paraan upang mangyari iyon. Kaya naman hinayaan ko muna silang mag-isip matapos kong ipaliwanag sa kanila ang proseso na kanilang pagdadaan maging ang mga pagbabagong magaganap sa kanilang katawan at sa kanilang buhay. At sa totoo lang ay hindi ko alam kung na-encourage ko ba sila sa paglalakad ng paraang iyon o baka na-discourage ko lang sila dahil pare-pareho silang tahimik na nag-iisip sa isang gilid. “What did you do to them?” tanong sa akin ni Leora matapos niyang ilapag sa mesang kinapu-pwestuhan ko ang pagkain niya

