Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov After that brief confrontation between me and Dainsleif, hindi na muna ako nakipag-usap sa kanya dahil hindi ko pa din matanggap na mas inisip niyang huwag magpakilala sa akin kahit na alam niyang may ideya na ako na siya ang reincarnation ni Kei. Mas pinagtuunan ko muna ang pakikipag-usap kay Sinji at Leora dahil pareho pa din silang hindi magkasundo kung sasama nga sila sa amin pabalik ng Ehrenberg Mountain. “Bakit ba ayaw nyong magkasundo?” inis kong tanong sa kanilang dalawa at muntik ko pang batukan dahil kanina pa sila nagtatalo. Bumaling ako kay Sinji. “Sino ba kasi ang hindi mo maiwan-iwan dito?” Hindi siya sumagot at nag-iwas ng tingin kaya bumaling ako kay Leora. “Ikaw, kilala mo ba kung sino ang hindi maiwan ng lalaking ito?” tanong ko sa

