Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Hinayaan ko na lang muna na magtalo sina Leora, Graysean at Sinji. Hanggang ngayon kasi ay wala pa silang napagkakasunduan. Gusto ni Leora na sumama sa amin si Sinji upang maipaliwanag sa kanya ang mga plano na aming gagawin laban sa mga shiann vampire. Iyon din ang gusto ni Graysean dahil malaking tulong talaga ang kaibigan kung lalaban ito sa panig namin. Pero ayaw iwan ni Sinji ang building na ito. Hindi ko alam pero mukhang mayroon siyang pinoprotektahan sa loob nito kaya naman kahit anong pilit sa kanya ng dalawa ay hindi siya pumapayag na sumama sa amin. “Maybe it was Leora,” biglang sabi ni Dainsleif na nasa tabi ko at nanonood lang din sa pagtatalo ng tatlo. “The one that he is protecting in this building. It was Leora.” Kumunot ang noo ko.

