Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Nang buksan ni Dainsleif ang malaking double door ay bumungad sa akin ang isang malaking bulwagan kung saan nagtitipon ang mga mortal na naninirahan sa building na ito. Natigil nga silang lahat at napalingon sa direksyon ko. At imbes na takot ay ngiti ang isinalubong nila sa akin. Akma pa nga silang tatakbo para lapitan ako na para bang isa akong artista na kanilang hinahangaan ngunit agad silang pinigilan ng isang grupo na naka-uniform pa ng mga militar kaya nakuntento na lamang sila sa pagkaway sa akin mula sa kinatatayuan nila. "W-what the hell?" "Oh…" Agad akong hinila ni Dainsleif papunta sa isang gilid. "I should at least inform them." "A-anong nangyayari?" tanong ko sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa mga mortal na mas dumadami pa sa

