Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Hindi ako makapaniwala! Sa dinami-dami ba naman ng lugar sa buong Valier Kingdom, dito ko pa talaga siya makakaharap. Sa isang lugar pa na hindi ko talaga inaasahan dahil wala sa plano ko ang pumunta sa lugar na ito. Nagkataon lang na nadaanan ito ni Xan habang ginagawa ang kanyang trabaho bilang parte ng recon team. Well, I already knew that she is still alive because of all the spell residue that she always left whenever she goes around the Sierra City, but I didn’t expect to actually see her here. Hindi naman kasi siya nagtatagal sa isang lugar ng matagal na panahon. Lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang isang bagay. “So, you are the one,” sambit ko na ikinakunot ng kanyang noo. Itinuro niya ang kanyang sarili. “Ako?” Tinaasan k

