Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko matapos kong makumpleto ang ritwal para sa barrier na siyang nakapalibot ngayon sa buong area ng The Mall Community. At dahil ako ang gumawa nito ay habang buhay itong nakakabit sa akin kaya naman malalaman ko kung may uninvited guest na makakapasok dito kahit pa nasa ibang lugar ako ng bansa. Madali ko ding malalaman kung may susugod dito at sisira ng barrier kaya nakakasigurado ako na magiging ligtas na ang mga mortal sa community na ito. “So?” Binalingan ko sina Sinji at Leora. “Ready to go?” “Well…” Huminga ng malalim si Leora tsaka tumingin sa akin. “We are actually ready to go but…” Kumunot ang noo ko. “But?” “Ahm…” Napakamot siya ng ulo. “There are other vampires in this community and they wish to

