Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov “Oh my god!” Iyan ang bungad nila Hei at Ara nang salubungin nila ang pagdating ko at ng mga kasama ko sa mansyon. Bakas ang matinding gulat sa kanilang mga mukha habang nakatitig sa dalawang nilalang na siyang nasa likuran ko. “Leora!” sigaw ni Ara sa pangalan ng isa. “Dainsleif!” sigaw naman ni Hei sa pangalan ng isa pa. At imbes na ako ang una nilang lapitan na madalas nilang ginagawa noon sa tuwing nakakauwi ako kahit pa may iba akong kasama ay ang dalawang iyon ang pinuntahan nila pagkuwa’y mabilis itong niyakap. Kaya bahagya akong napairap. “Hey,” sabi sa akin ni Graysean matapos bahagyang banggain ang braso ko. “I saw that.” Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. “What?” “You rolled your eyes on them,” natatawa niyang sabi. “Jealous?” “

