Heydrich Oxen Pria Ehrenberg’s Pov "What the hell?" Iyan ang bungad ng mga taong nakatambay ngayon sa living area nang mapatingin sa pwesto ko. "Heydrich!" Mabilis na tinakpan ng mga babae ang mata ng mga lalaki habang si Wayne naman ay napapailing na lumapit sa akin pagkuwa'y hinubad ang kanyang jacket tsaka ito isinuot sa akin. At doon ko lang napagtanto na nakahubad nga pala ako. Nawala na sa isip ko ang magbihis dahil sa biglaang pagtakbo palabas ni Greeny ng kwarto ko para puntahan si Dainsleif. Agad kong isinara ang jacket at sakto naman na umabot ito hanggang tuhod ko kaya hindi na ako mag-abala pang bumalik ng kwarto. "Ano ba ang iniisip mo at lumabas ka ng hubo't-hubad?" sermon sa akin ni Leora. "Nakalimutan mo bang hindi na lang ikaw ang tao sa mansyon na ito?" Napakamot a

