COLT Inaasahan kong katapusan ko na pag sumugod siya pero hindi ito nangyari dahil habang naka-position siya ng isang hakbang sa kinatatayuan niya at nakalahad ang magkabilang braso habang nakabukas ang palad ay bigla niyang pina-cross ang dalawa niyang braso sa dibdib tsaka siya may sinabing hindi ko marinig mula sa kinatatayuan ko pero pagkatapos non binalik niya sa position niya kanina ang dalawa niyang braso. Napaluhod na ako sa kinatatayuan ko dahil sa pag hihina hanggang sa ang mga natutunaw na espada sa katawan ko ay biglang naging particle hanggang sa humugis kadena ito sa katawan ko. Napunta sa likod ko ang dalawa kong kamay at kahit pa gamitin ko ang natitira kong lakas para makawala sa kadenang nakapalibot sa akin ay hindi ko magawa. Masyadong nanghihina ako, hindi naman ito

