COLT Katulad ng sabi ni Jaus nauna na ako sa kanila pero hindi muna ako sumugod. Nakita ko pa ang dalawang tao mula sa malayo na tumalon pa ibaba, kaya minadali ko tong habulin para maabutan sila. Pagbalik ko sa pader kung saan tumalon ako sa malayo at mula sa kinatatayuan ko sa taas nakikita ko ang lahat ng pangyayari. May isang lalaki na nasa harapan at dalawa namang lalaki na nasa likuran lang nito. Habang ang nasa harapan naman nila ay mga Enders na nanginginig na sa takot ang mga binti dahil na trap sila habang ang lima naman na Enders sa harapan ay tila ba nakangiti lang, kaya mukhang ito ang sinasabi ni Jaus na kasabwat ng mga Hunters para ituro sa kanila ang dapat na puntahan para makalabas sa isang larong ito. Ang Hunters na nasa kaliwa ay nagngangalang Night. Ito lang ang na

