COLT “Akala ko mamaya pa kayo dadating?” salubong ko na tanong sa kanila dahil ‘yon ang inaasahan ko dahil sa layo ng pwesto nila bago pa lumiko sa kanto na ito. “Malayo pa nga kami pero ng marinig namin ang malakas na tunog pati na ang pakiramdam na yumanig ang lupa ay bigla kaming tumakbo papunta dito,” paliwanag ni Jaus habang galit na nakatingin sa akin at medyo naiinis pa ang tono. “At anong nangyari dito bat may malaking wasak sa lupa?” Turo niya at lingon na rin sa lupa pero agad rin namang binalik sa akin at tingin. Tumingin muna ako kay Lynx na medyo nanlalaki sa gulat ang mata dahil sa nakitang malaking bilog sa lapag kung saan ako bumagsak pagkatapos ay tumingin na ako kay Jaus para mag paliwanag habang nakangiti dahil medyo mainit ang ulo niya. “Diyan lang naman ako bumagsak

