COLT Panay ngiti lang siya sa amin na para bang baliw at gusto kaming patayin pero dahil nakatali siya panatag kaming hindi niya magagawa ito. Naunang lumapit si Jaus sa kanya dahil sa aming tatlo si Jaus ang malakas ang loob. Lumuhod si Jaus sa lalaki para pumantay habang kami naman ni Lynx at nakatayo lang sa likod niya, nanonood sa kung anong gagawin at sasabihin ni Jaus. “Anong pangalan mo ngayon?” tanong ni Jaus dito. Ngumiti lang ito ulit habang nakatingin kay Jaus pero hindi sinagot ang tanong ni Jaus, kaya lumingon sa amin si Jaus at tiningnan niya kami ng patanong. Napataas lang kami ng magkabilang balikat ni Lynx hanggang sa biglang sumunggab ang ulo ng lalaki sa leeg ni Jaus pero dahil nakatingin kami na aksyonan agad ito ni Lynx. Na-activate niya kaagad ang electric wire n

