COLT Sampung minuto ang nakalipas at nagising na rin ang lalaki pero dahil nakadikit siya sa lapag hindi siya nakabangon agad. “Ano ‘to?” tanong niya habang pumipiglas pero wala nangyayari. “Wag mo ng pilitin,” ani ko pagkalingon ko sa kanya. “Anong-” Hindi natuloy ng lalaki ang sasabihin niya dahil tinapakan ni Jaus ng malakas ang katawan nito, kaya imbis na magulat nagulat at napatahimik siya. “Gustong sagutin mo ng totoo ang lahat ng tanong ko,” nangigil na tingin ni Jaus sa lalaki. Hindi naman na nagsalita pa ang lalaki, kaya nag-umpisa na ring mag tanong si Jaus. “Anong alam mo kay Greg X?” tanong ni Jaus habang nakatapak pa rin sa ibabaw ng lalake. “Huh?” pagtataka ng lalaki.” Sino yun?” tangi nito, kaya nainis na naman si Jaus at muling tinapakan ng malakas ang ibaba nito.

