CINDY'S POV Nitong mga nakaraang araw, siguro tatlong araw rin akong hindi naka dalaw sa Company ni Dave. Dati naman excited ako kada may biglaang meeting. Pero ngayon, tamad na tamad akong pumunta. Wala na kasing ibang ginawa ang company niya kundi kapalpakan. Ano ba kasing ginagawa ni Dave at hinahayaan niyang bumaba ang kumpanya niya? Dati naman, isang taon lang ay nagawa niyang maipatong ito sa pinaka top, e. Bakit ngayon kulelelat na siya? Malas yata siya sa babaeng nakuha niya. Legit na bang nawalan na talaga ako ng gana para kay Dave? Nawala na ba talaga ang love ko for him? Kapag ba nawala na ang excitement, wala na rin ang lahat? Not sure. Ang alam ko lang sa ngayon ay napagod na ako kakahabol. Baka gusto lang talaga magpahinga ng puso ko dahil sobra-sobra na ang sakit na natat

