Hindi pumalya si Cindy sa kanyang sinabing babawiin niya ulit si Dave. Kahit na ayaw siya nitong pumunta sa company niya ay patuloy pa rin siyanf nagpapakita. Wala na ring nagawa si Dave ukol sa partnership ng company ni Cindy dahil iyon ay utos ng kanyang Daddy. No choice siya kundi makita si Cindy araw-araw. Hindi pa rin naniniwala si Dave sa mga actions ni Cindy. Pilit pa rin niyang pinagtatabuyan si Dave kahit na ba ipinagduduldulan na nito ang kanyang sarili. Sobrang cold ng trato ni Dave kay Cindy. Hindi niya ito pinapakinggan kada kinakausap siya nito. Feeling tuloy ni Cindy ay nagsasalita lang siya sa hangin. Talaga nga namang masokista itong si Cindy na ultimong harap-harapan na naglalandian sila Dionne at Dave ay nakatingin pa rin siya kahit na nasasaktan na. Hindi na siya u

