DAVE'S POV Iba ang kutob ko kay Kuya at Cindy. Para silang may tinatago sa akin. Ang lakas ng pakiramdam ko na may iba silang pupuntahan. "Where are you going?" Tanong ni Dionne sa akin. Hindi ko siya pinansin pati sila Mommy na tinatawag ako. Agad akong sumakay sa kotse ko at dali-daling sinundan sila Cindy. Hindi ko alam kung anong sumapi sa aking demonyo at naisipan ko silang sundan. Kitang-kita ko kung paano sila magharutang dalawa sa loob ng kotse sa tuwing naiilawan sila ng ibang kotse dahil hindi naman tinted ang kotse ni Kuya. At heto pa rin ako, patuloy na sinusundan silang dalawa. Feeling ko kumakain tuloy ako ng bubog sa ginagawa kong ito. That should be me na nagpapasaya sa kanya. Pero ito ako ngayon, tinitignan siyang masaya sa iba. Tuluyan akong nilalamon ng regrets

