CINDY'S POV SINABI ko ang lahat-lahat ng katotohanan sa Mommy ni Dave. Umiyak pa ako ng sobra dahil sa kabang nararamdaman ko na baka malaman na ni Dave ang katotohanan na anak niya talaga si Grayson. Ayoko pa muna na malaman niya dahil hindi pa ako nakakaganti sa pang-aapi nila sa akin noon. "Just, please... Don't tell to Dave, please po?" Hinawakan ko ang nanginginig niyang kamay at umiiyak din siya. Hindi ko alam kung para saan o dahil lang sa nalaman niyang may apo na siya. Nasabi ko na rin naman sa kanya lahat ng paghihirap na dinanas ko noon nang pinagbubuntis ko pa lang si Grayson. Lahat-lahat ay kwinento ko sa kanya kaya ngayon ay galit na siya kay Dave lalong-lalo na kay Dionne. "O-okay," She said. Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Let me see my apo, please?" She said na

