Cindy's PoV
"Alam mo bang daks pala si Ziggy? Oh my God!" Umang-umaga ay kababuyan agad ang naririnig ko dito kay Kettie. May pa-gesture pa siyang nalalaman. Isang tao lang naman ang alam kong daks, e. Si Dave Lee lang naman.
Hanggang ngayon na-gi-guilty pa rin ako sa moves na ginawa naming ni Zee kahapon. Para bang ang sama-sama naming dalawa. Pero bahala na. Basta maging akin lang si Dave, okay na ako. Ang importante ay hindi naman ako pumapatay ng tao.
"Tigilan mo nga kalibugan mo, Kettie. Ang aga-aga, jusko!"
"Maiba tayo! I heard babalik na si Roan mula sa states. Hindi ba may pagka-manyak pagdating sa iyo 'yon?" Biglang pag-iba ng topic ni Kettie.
Oh My God! Roan Alexandrei Alvarez. Ayoko sa lalaking iyon. Kung anu-anong kababuyan lang ang alam no'n. One time nga natiyempuhan niya akong mag-isa sa locker room. Guess what? Iwinagayway niya lang naman ang pen*s niya sa harapan ko! Napaka manyak ng isang 'yon! Kung hindi lang talaga siya pinsan ni Zee, pinutulan ko na siya ng ari sa sobrang manyak niya, e.
"Che! Doon na lang kamo siya sa mga Kana! Mang hahasik na naman siya ng lagim dito sa School." I rolled my eyes dahil sa inis. Kukulitin na naman kasi ako ng Roan na 'yon. Baka makasira pa iyon sa plano kong habulin si Dave.
"Let's eat Ziggy na lang, I mean snacks tayo? Mukhang hindi na dadating yung panot nating prof." Bakit nga ba ako nakipag barkada sa Kettie na ito. Mayaman naman siya pero parang jologs kung makapag salita. Sakanya yata ako nahawa sa ka-jologs-an ko, e.
Pagdating namin sa food court nitong school ay naabutan namin sila Ziggy at Dave na nag-uusap sa iisang table. Agad na parang binudburan ng asin na bulate si Kettie nang mapansin si Ziggy Montemayor. The Gangster ng School. Ewan ko ba at bakit nagustuhan ni Kettie ang basagulerong kagaya niyan.
"Hehey!" Bati ni Ziggy sa amin nang naki-upo kami sa table nila. Wala pa man din kaming ino-order na food pero dumiretso na kami dito.
Gusto ko lang naman mapansin ng Dave ko, e.
I just rolled my eyes to Ziggy at saka tumingin ng matamis kay Dave. "Hi, Handsome!" Todo ngiti ako dito dahil ayoko namang maging pangit sa paningin ni Dave.
"Hi sweetie pie, cupcake, nutella, babybabes, ducky daks!" OA na bati naman ni Kettie kay Ziggy. Tanging tawa lang naman ang sagot ni Ziggy sa sinabi ni Kettie sa kanya.
Plain naman ang tingin ni Dave sa akin. At least tinitignan niya ako 'di ba? Pero seryoso naman niya akong trinatrato. Pero sa iba ang kwela niya lalo noong sila pa ni Minzy. Alam kong palabiro rin itong si Dave sa ibang tao. Nag-jo-joke siya, nakikipag-biruan. Pero bakit sa akin ang seryoso niya? Dapat ba akong matuwa dahil seryoso siya sa akin?
"Hoy! Huwag mong pisilin!" Nagulat ako nang biglaang sumigaw si Ziggy. Mas ikinagulat ko nang makita ko ang kamay ni Kettie na nasa down there na ni Ziggy. Oh My God talaga ang dalawang 'to!
Kahit nasa public area kami ay hindi nagpapatalo pagdating sa kalibugan nila.
"Bastos niyo naman! Get a room, Pigs!" Pagsuway ko sa dalawa.
Ikinatuwa ko na narinig kong tumawa nang kaunti si Dave. Agad ko siyang nilingon at naaabutan ko pa ang mga ngiti niyang never niyang ibinigay sa akin. Tila bang nagka-rainbow sa paligid nang masaksihan ko ang rare smile niyang iyon. Kitang-kita ko rin ang paglubog ng kanyang dimples. Sumingkit ang mga mata sa mga ngiting niyang iyon.
Hulog na hulog na naman ako. Punyemas! Dapat pala lagi naming kasama itong si Kettie at Ziggy nang makita ko lagi ang mga ngiting iyon nang malapitan.
"Nakita ko 'yon," Sabi ko habang tinititigan ang mga matang masaya ni Dave.
Bigla na lang bumalik sa pagiging masungit na mukha si Dave at saka tumayo. Nagpaalam siya na mag-start na daw ang klase niya.
Hindi ko na rin siya pinigilan dahil kinikilig pa rin ako sa nakita kong ngiti niya. Naiwan tuloy ako sa dalawang malandi na sina Ziggy at Kettie.
"Free ka ba tonight? s*x tayo?" Bulgaran na ang pag-uusap nila kaya napatayo na ako para umalis. Hinayaan ko na lang sila na maglampungan doon.
"Hey," Bati ni Zhander nang magkasalubong kaming dalawa.
Ang ayos ng dating niya ngayon. Well, everyday naman siyang maayos pero iba ang aura niya ngayon. May pinopormahan siguro na naman itong si Zee.
Ni-head to foot ko siya para malaman niyang may kakaiba sa kanya ngayon.
"What?" Masungit niyang puna.
"May nililigawan ka ano?" Pagbibiro ko.
Tinignan niya rin ang kanyang sarili at saka napakunot ang kanyang noo.
"Stop, Aurora. Ako na gwapo? Manliligaw? Nasisiraan ka na ba ng bait? Ako ang nililigawan ng girls. Sila ang lumalapit sa akin. Hindi ako." Halata sa mga salita niya na nahuhuli ko siya.
Kilala ko na ang kumag na iyan. Kapag may gustong babae ay mas pinapa-gwapo niya pa ang kanyang sarili.
"Oo na lang, Zee. Who's the lucky girl? Maganda ba? Sexy? Matalino?" Tanong ko na may kasamang pang-aasar.
"Kabaliktaran ang lahat," Bulong niya pero narinig ko naman.
So, nagbago na pala ang taste ng isang 'to? Biglang sumagi sa isipan ko si Minzy. Hindi kaya, siya ang nahuhulog sa sarili niyang patibong?
No way! Baka masira ang plano naming. Hindi siya pwedeng ma-in love kay Minzy!
Napakunot ang noo ko sa na-realize.
"May gusto ka ba sa loser na 'yon?!" Bigla kong tanong kay Zee at nagulat siya doon.
Binaling niya ang tingin niya sa malayo at saka pilit na tumawa.
"Tss! Ang dami mong sinasabi! Ako na gwapo magkakagusto sa losyang na iyon? No way, pare!"
"Mabuti kung ganon. Ikaw nag-plano nito kaya umayos ka. Bayagan talaga kita kapag nangyari ang hindi ko gusto."
He just smiled at me. He tapped my head at saka kinurot ako sa pisngi.
"Ang cute naman ng bestfriend ko. Don't worry. Maangkin mo rin ang inaasam mong titi." Tumawa siya nang nakakaloko at saka naglakad palayo.
Nakakainis talaga siya sa term niya para kay Dave! I hate him!