"Bakit sobrang busy naman ni Zhander nitong mga nakaraang araw? Mag-iisang buwan na siyang hindi napapadpad dito sa atin, ah?" Tanong ng ate ni Cindy sa kanya.
Kahit si Cindy ay hindi niya rin alam kinakaabalahan ng kanyang matalik na kaibigan. Huling pag-uusap at pagkikita nilang dalawa ay iyong nakiya niyang bihis na bihis si Zhander.
Nagtataka na rin siya dahil wala itong sinasabi o binabalita kung ano na ba ang lagay ng kanilang plano. Kung nakalimutan na ba ni Minzy si Dave? Kung mapapasakanya ba talaga si Dave?
Nitong mga nakaraang araw din ay mailap sa kanya si Dave. Tila parang laging lutang sa kawalan at may malalim na iniisip. Kung sinu-sino ring babae ang nakikita nitong kasama ni Dave. Pero hindi siya nagpapatalo dahil isa-isa niya itong binabantaan na layuan na si Dave dahil sakanya lamang dapat si Dave.
"What's bothering you? Nasilayan mo na ba iyong patutoy niya?" Tumawa si Kettie nang sabihin ito kay Cindy.
Napataas naman ang kilay ni Cindy sa narinig mula sakanyanh kaibigan. Sa isip niya ay hindi lang naman niya nasilayan ang bagay na iyon. Natikman pa niya. Kaya hindi niya na lang pinansin si Kettie at nagpatuloy lang sa kanyang mga iniisip.
What if mag fail si Zhander? What if gusto pa rin ni Minzy si Dave? Ikinatatakot pa nito na baka magkabalikan ang dalawa dahil may feelings pa si Dave kay Minzy.
Ang sakit siguro sa puso na makitang masaya na ulit si Dave kay Minzy. Hindi niya kakayanin na mangyari ang bagay na iyon.
Matagal niya nang mahal si Dave kaya gagawin niya ang lahat mahalin lang siya nito pabalik.
Natapos ang tatlong oras na klase ay agad na lumabas ng room si Cindy para harapin si Zhander at tanungin kung ano na ba ang ginagawa nito.
Para bang nasagot lahat ng tanong niya nang makita ito na kasama ang isang magandang babae. Sobrang ganda nito at bagay na bagay silang dalawa kung pagmamasdan. At hindi lang ito basta simpleng babae lang dahil alam ni Cindy kung sino ang kasama ngayon ni Zhander.
Si Minzy Santos.
Kinabahan siya sa kanyang nakita. Ibang-iba na ang hitsura nito. Sobrang pansinin na siya ngayon dahil halata sa kalalakihan sa school ay sakanya nakatingin. Bago na style ng kanyang pananamit. Kitang-kita na ang hubog ng kanyang katawan. Wala na ang reading glass nito at maayos na rin ang kanyang buhok. Para na siyang model kung maglakad.
Napatalikod si Cindy dahil hindi niya gusto ang nangyayari. Posible pa nga na mahulog lalo si Dave sa kay Minzy dahil sa pagbabago nito.
Napansin niya rin na iba na ang kilos at tingin ni Zhander para kay Minzy. May laman na ang mga titig nito at para bang in love na in love siya kay Minzy.
Napalunok ng dalawang beses si Cindy, nanginginig at hindi alam ang gagawin. Paano na lang kung talagang mawalan na siya ng pag-asa para kay Dave?
She need to do something. Tutal naman ay may feelings si Zhander para kay Minzy, what if i-push niya si Zhander kay Minzy para magkagusto ito sa kanya at tuluyan nang makalimutan ni Minzy si Dave?
Great idea! Napa-guhit ang labi ni Cindy sa kanyang naisip.
At saka, ikasasaya pa ito ni Zhander kung ma-in love man sakanya si Minzy, right?
~
"Bagay kayo!" Naabutan ni Cindy si Zhander na mag-isa sa parking area ng school. Nakangiti at tila sobrang saya sa kanyang buhay.
Umayos ng tayo si Zhander at tinignan ng seryoso si Cindy.
"I'm sorry, Aurora." Seryoso itong binanggit ni Zhander kay Cindy.
"You're sorry?" Ngumisi ng pilit si Cindy at tila alam na ang dahilan kung bakit ito nag-so-sorry sa kanya. "Yeah, I know!" Dagdag nito at saka sumandal sa kotse ni Zhander.
"I'm happy nga for you, e. At least masaya ka kay Minzy. You're in love with her---"
"In love? What? Are you crazy? Ako na gwapo mai-in love sa babaeng amazona na iyon?! She's a monster! Hindi nga siya maganda!"
Bigla na lang tumawa si Cindy sa inasal ni Zhander. Halata naman kasing nag-de-deny pa ang isang 'to. Halatang-halata na may gusto talaga siya kay Minzy.
"What?!" Masungit itong tinanong ni Zhander kay Cindy na hindi pa rin napuputol ang sa pagtawa.
"Nothing..." Tumawa ulit ng konti si Cindy. "I'm just happy for you." Sincere itong sinabi ni Cindy. Wala siyang magagawa kung ma-in love man ang kanyang kaibigan sa matindi niyang karibal kay Dave.
Siguro hindi niya na lang itutuloy ang kanyang plano na isabwat pa ulit si Zhander para lang mapasakanya si Dave. Hahayaan niya na lang ang kanyang kaibigan sa diskarte nito. Tutal madali naman din mahalin si Zhander kaya hindi malabo na magkagusto dito si Minzy.
~
"Hey, handsome!" Sa wakas ay nagawa rin makalapit ni Cindy kay Dave after ng ilang linggong pagiging mailap nito.
Tinignan siya nito at nasilayan niya ang ngiti ni Dave. Totoo ba ito? Nginitian siya ni Dave? Isang achievement iyon para kay Cindy. Ngayon ay sobra na ang pagtibok ng puso niya dahil lang doon.
"Hey," Napakagat nang labi si Cindy nang batiin siya nito pabalik. Kahit na busy ito sa ginagawa niyang project ay binati pa rin siya nito.
Napatalikod si Cindy dahil para na siyang sasabog sa kilig. Tinapik-tapik niya pa talaga ang kanyang pisngi na baka nananaginip lang siya. Pero totoo na ito!
Pero napaharap siya ulit kay Dave nang makitang papalapit si Minzy sa pwesto nila. Hindi siya pwedeng ma-mukhaan nito kaya hindi niya na pinansin pa si Dave at saka nilagpasaan ito ng kaunti.
Tama ang hinala niya na ang magiging reaction ni Dave kay Minzy kapag nakita itong nagbago ng hitsura. Napatulala si Dave sa kagandahan ni Minzy.
"Oh, Dave!" Hindi gusto ni Cindy ang tono ng pagtawag ni Minzy sa pangalan ni Dave.
Gusto niyang humarap kay Minzy para pagtabuyan ito pero hindi niya magawa dahil nangangatog ang kanyang tuhod.
Mas minabuti niya na lang na mag-walk out kaysa marinig ang usapan ng dalawa. Gusto niya man humadlang sa masayang pagkikita ng dalawa kaso naunahan siya ng takot na baka nga wala siyang panabla kay Minzy.
~