Labis ngang nasaktan si Cindy nang makita ang reation ni Dave nang makita si Minzy sa bago nitong anyo. Tila ba nangliit si Cindy sa kanyang sarili at nakaramdam ng matinding inggit. Mas maganda na ngayon ang kanyang karibal. Hindi na ito loser. At sa isip niya na hindi malabong magkabalikan ang dalawa. "What's wrong with you, Zee?!" She shouted, Frustrated. Napaupo si Cindy sa sofa at napahilamos ng kanyang mukha gamit ang dalawang palad. "That's my plan, Aurora." Kalmado itong sinabi ni Zhander. "Your plan? Na ano? Pagbalikin silang dalawa tapos ako nganga? Hayup na plan naman 'yan, Zee!" Todo ang sigaw ni Cindy sa kanyang kaibigan samantalang hindi matinag sa sigaw ni Cindy si Zhander. "You're so loud," Umasta pang parang naglilinis ng tainga si Zhander at lalo lamang nainis si

