"My loves!" Umalingawngaw ang sigaw ni Roan sa buong classroom. Lahat nang studyante sa loob ay napatawa. Ang iba naman ay kinilig sa inasta nito. Samantalang nahihiya at kunot ang noo ni Cindy sa ginagawa ni Roan ngayon. Tinignan ni Cindy ang reaction ni Dave. Busy lang itong tumitingin sa kanyang cellphone. Baka kasi isipin ni Dave na may nilalanding iba si Cindy. Palapit si Roan kay Cindy samantalang pigil ang kilig ng kababaihan sa loob ng classroom. Hindi naman kasi nalalayo ang hitsura nito kay Zhander. Gwapo ito, matangkad at may dating ang tindig. Para na siyang modelo ng mamahalinh brand ng underwear. Madaming babae ang kinikilig sa kanya. Ngunit nag-iisang may ayaw sa kanya ay si Cindy. "Ano bang kabaliwan ang ginagawa mo?!" Sigaw ni Cindy nang nakatayo siya. Umalis siya

