Kabanata 31 The next day excited ang lahat dahil pupunta kaming Ever land, isang sikat na parang Disney land dito sa Korea. May mga rides din doon at marami pang iba na kakaaliwan ng lahat. Tanghali narin kaming nagising lahat dahil kahapon gabi na kami nakuwi, halos suyurin namin ang Myeongdong Area kagabi. Pagkauwi namin, higa agad sa kama sa sobrang pagod. Bukas narin birthday ni Eros, November 25. I don't have any gift for him, hindi ko naman kasi alam na dito pala namin e'celebrate ang kaarawan niya. Pero susubukan ko parin na makabigay ako sa kanya ng regalo kahit mura man lang. Nahihirapan ako din akong makatakas at makabili ng regalo dahil nakabuntot siya parati at nakapulupot ang kanyang kamay sa akin kaya hindi ako makaalis. "My, Pwede kaming sumakay sa rides?" tanong ni Ellio

