Kabanata 30 Lumundag si Elliot ng mabuksan ng tauhan ni Eros ang sinasakyan naming magarang van. Nakarating naman kami dito sa airport ng mabuti, medyo traffic lang pero hindi naman masyadong late. Eros wrapped his arm around my waist at nagtungo na kami sa loob. Hawak ko si Cronus habang si Elliot naman ay nasa kanyang daddy, si Elion nakahawak kay Cronus at Merna. "Walang available si Fabio na eroplano kaya public airplane lang ang sasakyan natin, baby. Don't worry we are safe, hindi alam nina Donna na aalis tayo ng bansa." paliwanag sa akin ni Eros ng hinihintay naming matawag ang aming flight. "It's okay," sabi ko naman. May tiwala naman ako kay Eros na ligtas kami sa trip na 'to, hindi naman niya kami ipapamahamak. Nang matawag na ang flight namin ay agad na tumalon talon ang tat

