Dire-diretso siyang naglakad patungo sa may gilid ng kanilang bahay matapos ihatid sa sasakyan ang binata. Hindi na niya pinagkaabalahang lumingon pa sa nagkakasiyahang bisita. Pagpasok niya sa may kusina ay nakita niyang dumaan ang isang matangkad na lalaki na tila pamilyar sa kaniya. Nagtaka siya nang pumasok ito sa banyo. Hindi doon ang comfort room para sa mga bisita. Pero naisip niya na baka may tao sa CR na nasa ilalim ng hagdan kaya doon ito pumunta. Nakaramdam siya ng uhaw kaya napagpasyahan niyang uminom muna ng tubig bago umakyat sa kaniyang silid. Palabas na sana siya sa kusina nang makita si Alexa. Napaka-sexy nitong tingnan sa suot nitong kulay itim na dress. Hakab sa katawan nito one shoulder sleeveless maxi dress na may mahabang slit sa gilid ng binti. Palingon-lingon

