“B-Blaire...” mahinang sambit ni Bryan sa pangalan niya. Buong paghangang hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, saka muling ibinalik ang tingin sa kaniyang mukha. Dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya ang binata, bakas sa mga mata ang pangungulila. Dati-rati ay pinabibilis ng mga titig nito ang t***k ng kaniyang puso, subalit ngayon ay hindi na. Wala na ang dating excitement at kilig na nararamdaman niya para dito. “K-Kumusta ka na, Blaire?” garalgal ang boses na tanong nito, mabagal na humakbang palapit sa kaniya. “Ayos lang naman. Ikaw ba?” ganting tanong niya sa kaswal na tinig. Ngayong muli niyang nakita ang binata, napatunayan niya sa sariling wala na talaga siyang natitirang pagmamahal para dito. Siguro nga ay tuluyan nang binago ng panahon ang kaniyang damd

