Matias POV. AKMANG tatawag na ng pulis ang isa sa aking mga tauhan… bigla ko siyang sinaway. “Tumigil ka.” Napakunot ang noo ko habang nakatingin kay Orange. May kakaiba, hindi normal ang mga sugat niya. Parang sinadya ng kung sino na may matinding galit. Napansin ko rin ang suot niyang singsing, malapad ang bato, at tila may nakatagong bagay sa ilalim nito. Dahan-dahan akong lumuhod sa tabi niya. Maingat kong hinawakan ang kanyang kamay, saka unti-unting hinubad ang singsing. Mas lalo akong nakaramdam ng duda. Hindi ito ordinaryong alahas. Tumayo ako at sumenyas sa dalawang tauhan. “Ipasok ninyo siya sa loob. Tawagan ninyo ang family doctor, ngayon din.” “Copy, Bigg Boss.” Hindi na ako lumingon pa habang dinadala nila si Orange papasok. Inikot ko ang paningin sa paligid, isa

