EPISODE- 18

1122 Words

Matias POV. HINDI ko maintindihan kung bakit mas pinili ni Gladerious na manatili sa bahay ang batang si Moley. Samantalang si Orange, walang kaabog-abog… iniwan na lang dito ang bata, na para bang wala siyang pananagutan. Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng iyon. Pati pangalan ko, ginamit pa sa batang hindi ko naman anak. Mas lalo tuloy nadagdagan ang sakit ng ulo ko. Tinungo ko ang silid ni Moley. Mula nang dumating ang batang iyon, halos wala nang oras si Gladerious para sa akin. Hindi na ako kumatok… diretso akong pumasok. Akmang tatawagin ko sana si Gladerious, ngunit napahinto ako nang marinig ko siyang tinuturuan ng Tagalog ang bata. Ilang minuto akong nanatili sa pagkakatayo, tahimik na pinagmamasdan silang dalawa. Hindi ko talaga gusto ang ideyang naririto ang batang iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD