Gladi POV. DUMATING si Orange sa malaking bahay ni Matias kasama ang bata. Akala yata ay papasukin siya, nagpaawa pa ngunit hindi umepekto. Tanging ang batang si Moley ang nakapasok. Isang linggo na ang nakalipas magmula ng sumailalim sila sa paternity test at kaya pinapunta ni Matias ang bata sa bahay niya upang ito mismo ang makakita ng resulta. Kahit kaming dalawa ni Master M, hindi pa namin makikita ang resulta. Naka sealed iyon ng ibigay sa amin ng isang tauhan. Ito ang inutusan na kumuha ng resulta. Ngayong kaharap namin si Moley, nakikita ko na nakayuko siya at sobrang lungkot. Tila alam na niya ang susunod na mangyayari. “Moley, look at us.” “Yes, D-Daddy…” mahinang sagot niya. Ako’y nakatingin lang sa kanya, ang puso ko ay tila kinukurot. Paano kung negative ang resul

