Part 1

2353 Words
"Bulbasaur-este Chief, pakawalan mo na ako dito. Sige na oh?" Napakamot pa ako sa ulo habang nagmamakaawa ako dito kay Balbasaur este sa pulis na nakahuli sa akin. Nasa loob tuloy ako ng pokeball ngayon. Oo. Nahuli ako. Pinatakas ko nalang si Ekang at kawawa naman. Kahit na gaano ako kabilis nahuli ako ng mga ito. Dahil akala talaga nila ay isa akong pokemon at talagang hindi ako ng mga ito tinigilan. Naging pabebe girls din sila. Hindi na sila mapipigilan. Kulang nalang ay bugahan ako ng apoy ni Charmander at kuryentehin ni Pikachu kanina. Dahil pinahirapan pa daw namin sila sa paghabol. Hindi na nila makita si Ekang kaya no choice sila. Ako nalang ang dinala nila dito sa presinto. Buti nalang at naiabot ko agad kay Ekang ang kita ko. Isang daan lang tuloy ang nakuha sa akin ng mga timawang pulis na ito. At saka, Sino ba kaseng nagsabi naman sa kanila na ako ay habulin, di ba? Hindi lang naman kami ni Ekang ang vendors doon. Marami. Pero mukang may favoritism sila at kami talaga ang pinag initan. Napabuntong hininga nalang ako. "Anong Bulbasaur?!" Sigaw nito. Napangiwi nalang ako dahil tumitilansik pa kase ang laway nito. "Chief, cute yon. Hindi mo ba knows na in na in na games ngayon iyon sa kabataan?!" Pambobola ko pa. "Kaseng cute mo iyon. Promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko. "Baliw ka bang babae ka?! Akala mo ba hindi ko alam iyon?! Gagawin mo pa akong hayop! Gusto mo mabulok ka dito sa bilangguan?" Galit na sabi pa nito. "Chief, huwag ka namang ganyan. Cute mo lang kase. Ayihh!" Dagdag ko pa. Pinukpok ng kasama nitong pulis na babae ang rehas ng hawak nitong batuta at pinanlakihan ako ng mga mata. Kaya napalayo ako. Nagselos yata. Feeling pa niya siya si Harley Quinn. Muka naman siyang butete. Pokemon squad to suicide squad. Wushu! Tae nila. "Manahimik ka! Alam nyo namang bawal magtinda doon! Sige pa rin kayo ng sige! Muka ka pa namang foreigner. Gusto mo ipadeport kita?" Pananakot pa nito sa akin. Muntik ko ng sagutin ito kung hindi lang ako nagtitimpi. Kailangan kong makaisip ng ibang paraan para makalabas ako dito. Hindi ako pwedeng magtagal dito at baka kung saan dalin ni Ekang ang pera ko. It can't be, borrow one. Char! "Madame Chief, parang awa nyo na. Pakawalan nyo na ako dito. Wala naman akong masamang ginagawa. Nagtratrabaho lang naman ako kagaya nyo. Sige na Madame Chief. Parang awa mo na. Wala naman kayong mahihita sa akin." Naglambitin pa ako sa rehas. At kunwari ay mangiyak ngiyak na ako. "Tahimik sabi!" Hinawakan nito ang muka ko. At tinitigan akong mabuti. Napaismid nalang ako. "Totoo ho yan. Hindi iyan fake." Nakasimangot na sabi ko. Inunahan ko na ito dahil siguradong ang kulay ng mga mata ko ang itatanong nito. Kulay berde kase. Hindi kase normal ang kulay nito para sa isang Pilipino. Mahirap mang aminin pero, half lang ako. Half baliw half lukaret. Pero seryoso. Dating entertainer ang nanay ko sa Japan. Doon niya daw nakilala ang tatay ko na Japanese/ American/Spanish. Pero nang mabuntis daw siya ay nawala nalang ng parang bula ito kaya rin siya nauwi sa Pilipinas. Tapos lahat ng ipinapadala niya sa mga Lola ko ay naubos kakasugal ng mga ito kaya wala ring nangyari. Tapos seventeen years old ako ng mag asawa siya ulit. Pero naflylalu na siya sa heaven ng ipanganak niya ang kapatid ko. Tapos ang magaling namang tatay ni Matet. Nainggit yata kay Mundrabells sumunod sa heaven. Lumaklak ba naman ng limang bote ng cobra drinks. Hayun, hindi na inabot ng umaga. Natigok. Ayokong alalahanin ang nakaraan at ayokong mag MMK ang buhay ko. Back to business. Sa totoo lang, ayoko ng kulay ng mga mata ko. Tapos almond shape pa ang hugis dahil may lahi ngang hapon ang missing in action kong tatay. Hindi rin pangkaraniwan ang height ko. 175cm. Maganda naman ako. Totoo, walang halong biro. Kaya lang nga kulang ako sa dede saka sa s*x appeal. Hindi ako biniyayaan ng Dede katulad ni Queen Pia. Putek! Hindi naman ako magkakapera sa s*x appeal na iyan. Pero tang ina! Hinihintay na talaga ako ni Matet. Siguradong hinahanap na ako nito kay Ekang. Napangisi ako ng may maisip akong idea. Pasimple kong kinuha ang vicks sa bulsa ng suot kong pantalon. Tiningnan ko muna kung nakatingin ang mga kasama ko sa selda. Nang makita kong busy ang mga ito ay nagpahid ako sa mga mata ko at dali dali ko ulit itong ibinulsa. Pumikit pikit ako at ng maramdaman kong nagtutubig na ang mga mata ko ay umarte akong parang lumong lumo. "Hoy, huwag mo akong artehan hindi mo ako makukuha sa ganyan!" Sigaw pa rin ni Jigglypop. "Wahhh! Wala kayong puso! Kaluluwa at balunbalunan! Wala kayong laman loob! Hindi nyo ba alam na hinihintay ako ng kapatid ko na nasa ospital ngayon?" Suminghot singhot pa ako. "Hindi nyo naiintindihan dahil may maganda kayong trabaho! Nakapagtapos kayo ng pag aaral. May mga magulang pa kayo! Samantalang ako?" Itinuro ko pa ang sarili ko at talagang pinatulo ko ang luha sa mga mata ko. Napalunok ang dalawang pulis ng makita na akong umiiyak. "Ako! Grade 3 lang ang tinapos ko. Namatay ang mga magulang ko dose anyos lang ako. Sa murang edad ko nagbanat na ako ng buto, mapag aral at mabuhay ko lang ang kapatid ko!" Kunwari ay nagpahid ako ng luha ko sa mga mata. Nakuha ko naman na ang atensyon ng lahat ng naroon sa presinto. Pati ang mga nasa selda na kasama ko ay lumapit sa akin. "Ayos ka lang ba Ineng?" Tanong sa akin ng isang matandang preso na naroon. Umiling ako at humarap ulit sa dalawang pulis na ngayon ay awang awang nakatingin sa akin. Akala mo nanunuod sila ng isang tagpo sa teleserye. Kaya mas ginalingan ko ang pag arte. "Hindi nyo alam ang hirap! Ang hinagpis! Lahat ng trabaho ginagawa ko. Iyang mga fake na dvd's, patinda lang sa akin ng boss ko yan. Isang daan nga lang ang sweldo ko tapos depende pa iyon kung kumita ako o hindi. Tapos kinuha nyo pa? Nasaan ang hustisya? Wahhhhh! Ipapa Duterte ko kayo!" Inilakas ko pa ang ngawa ko. "Hindi pa kayo nasiyahan, pinaghati hatian nyo pa ang paninda ko! Hindi nyo ba alam, kulang na kulang na pambili pa yan ng gamot ng kapatid ko! Wala na nga akong kinita dahil kinuha nyo na tapos nakakulong pa ako. Kapag nakalabas naman ako magbabayad pa ako ng mga dvd's na pinag hatihatian nyo! Wahhhh! Ipapa Gabriela ko kayo!" Nakita ko ang lumapit na pulis sa amin na may dalang isang supot na pandesal at kumakain. "Tapos kagabi pa ako hindi kumakain." Nahinto sa ere ang pagsubo nito. Tiningnan ang tinapay na kinakain at tumingin sa akin. Paawa effect ako. "Puro tubig lang ang iniinom ko dahil kailangan kong maipon ang kita ko na kinuha nyo naman. Kase wala na naman kayong mahingan ng pangmirienda!" Napalunok ang pulis na kumakain ng pandesal. Tapos ay inabot sa akin. "Gusto mo?" Umiiyak na kinuha ko ang isang supot na pandesal na hawak nito. "Bakit mo kinuha? Ito lang ang ibinibigay ko sayo!" Angal nito at itinuro ang pandesal na hawak niya na may kagat na niya. "Gago! Kinagatan mo na ibibigay mo pa! May laway mo na!" Sabi ko sa pagitan ng pagnguya at pag iyak. "Aba't sumasagot ka pa?" Inis na sabi nito. Inilakas ko ang iyak ko. "Wahhhh! Tingnan nyo nga iyan Chief! Magbibigay tapos mang aaway!" Sumbong ko. Tinuktukan naman ito ni Madame Chief. "Manahimik ka Diosdado, kita mo nang umiiyak iyong tao." Pinanlakihan pa nito ng mga mata ang tinawag na Diosdado. Pasimple ko itong ininis. "Chief, nagdradrama lang yan!" Angal nito. Humarap na naman sa akin si Madame Chief. "Wahhhh! Sinungaling kang pulis! Isusumbong kita kay Noynoy!" "Noynoy Aquino?" Tanong pa nito. Sumimangot ako. "Hindi! Noynoy Abunda! Wahhhhh! Madame Chief!" Mas ginandahan ko ang pag iyak ko. Dahil kailangan ko na talagang makaalis dito, baka magbeast mode na si Matet at itarak nalang sa lalamunan ni Ekang ang karayom sa ospital. "Sige na, ituloy mo na iyong kwento mo!" Sabi pa ni Jigglypop na nag aala Harley Quinn. "Iyon nga Madame Chief. Kailangan ko na talagang makalabas dito! Hinihintay na ako ng kapatid ko na nasa ospital! Baka tarakan na noon ng dextrose ang mga nurse! Tapos pagkabisita ko papasok pa ako sa canteen. Pang gabi ako. Wala na nga akong itinutulog! Maawa naman na kayo! Wahhh! Madame Chief! Parang awa mo na!" Pagmamakaawa ko pa. Muka namang naawa na ang mga kasamahan ko sa selda at ang mga tao na naroon. "Chief pakawalan nyo na. Kawawa naman. Muka namang nagsasabi ng totoo." Sabi ng isang bilanggo. "Oo nga, Chief. Baka hinihintay na nga siya ng kapatid niya!" Dagdag nung isa. "Hindi naman siguro iiyak yan ng ganyan kung hindi totoo!" "Oo nga!" Sabi nilang lahat. Napangisi ako ng palihim. "Tahimik! Oo na! Palalabasin na namin siya!" Nagkagulo na roon kaya siguro sumakit na ang ulo ni Jigglypop at pinalabas na ako ng selda. May pinapirmahan lang sa akin ang mga ito at pinalaya na ako. Nagpasalamat naman ako. Pagkatapos Bago pa ako umalis ay ibinalik nito ang isang daang piso na kinuha sa akin kasama ng mga pirated dvd's. Nang tuluyan na akong makalayo sa presinto ay nagtatakbo ako palayo. Baka kase magbago pa ang isip ng mga ito at ikulong na naman ako. "Napakagaling ko talaga!" Puri ko sa sarili. Dali dali naman akong pumara ng jeep pa puntang ospital. Halos takbuhin ko na ang hospital room ng kapatid ko dahil sa pagmamadali. "Anak ka talaga ng nanay mo Matet, huwag ng matigas ang ulo. Uminom kana ng gamot. Mamaya nandyan na si Sta. Maria." Iyon ang naabutan kong sinaryo pagkadating ko sa hospital room ng kapatid ko. "Matet!" Nakangiting tawag ko sa kapatid ko. "Ate Maria!" Nakangiting sabi nito sa akin. Tumabingi ang ngiti ko ng tawagin ako nito sa pangalan ko. "Matet, pinahihirapan mo na naman ba si Ate Ekang mo?" Kunwari ay masungit kong tanong dito ng makalapit ako sa kanilang dalawa. Sumimangot lang ito at humalukipkip pa. "Ayoko sa kanya! Nakakayamot! Amoy pawis pa! Hindi ka ba naligo Ate Ekang?" Tanong pa ng walong taong gulang kong kapatid. "Ai, tae ka talaga!" Asar na sabi nito kay Matet. Binelatan lang ito ng kapatid ko. "Sta. Maria,kausapin mo iyang kapatid mo at baka makalimutan ko na may sakit yan." Asar na bulong sa akin ni Ekang. "Matet, huwag mong inaaway si Ekang. Bahala ka hindi kana niyan dadalan ng mga pagkain." Ngumuso lang ito at umirap. May sakit na nga't lahat maldita pa rin siya. Hindi ko alam kung saan nagmana ng saltik ng utak itong kapatid ko. Hindi naman sa akin dahil napakabait kong mamamayan ng Pilipinas. "Painomin muna ng gamot yan. Kahit mga nurse hindi napasunod yan. Baka dumating si Doctor. Kakausapin ka pa naman yata." Sabi nito. Tumango ako at pinainom ko na ito ng gamot. Pinatulog ko na rin ito. Si Ekang naman ay pinapaypayan ito ng dumating ang Doctor ni Matet. Agad akong tumayo at lumapit dito. "Doctor Octopus!" Nakangising bati ko sa doctor ni Matet. Ngumiti lang ito sa akin. "Ikaw talagang bata ka. Nakita mo na naman ang ulo kong kalbo." Iiling iling na sabi nito. "Gusto nyo daw ho akong makausap?" Kinakabahang tanong ko dito. Tumango ito. "Dederetchahin na kita Hija. Kung gusto mong gumaling ang kapatid mo. Mas maganda na ilipat mo siya sa mas maayos na ospital." Panimula nito. Talagang diretcho nga. Wala manlang comercial. "Maganda kung ililipat mo na siya hangga't maaga. Nakausap ko na rin ang doctor na titingin sa kanya kung sakaling mapagdesisyonan mo na ilipat siya." Dagdag nito. Tumango ako. "Saang hospital ho ba ililipat ang kapatid ko kung sakali?" Seryosong tanong ko. "Sa Sebastian Medical." "Sebastian Medical!" Halos lumuwa ang mga mata namin ni Ekang sa sinabi ng doctor. "Doc hindi ba ospital ng mga mayayaman iyon?" Tanong pa ni Ekang. Tumango ang doctor. At may inabot sa aking isang calling card. "Talk to that person, hija. Sigurado na matutulungan ka niya. Mayroon siyang foundation at baka matulungan ka niya para sa pagpapagamot sa kapatid mo. Balita ko, malapit siya sa mga bata." Dagdag nito. "Doc, wala bang ibang ospital?" Hirit ko pa. Umiling ito. "Nasa ospital na yan ang mga magagaling na doctor sa bansa. Kung gusto mo talagang gumaling ang kapatid mo. Gagawin mo ang kailangan." Pangungumbinsi pa nito Nanghihina na tumango nalang ako dito ng magpaalam ito. Pinalibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Anim ang pasyente na nagsisiksikan sa loob ng kwartong ito kasama na roon ang kapatid ko. Lahat sila iisa lang ang sakit. Leukemia. Para sa kagaya naming kapos sa pera, dito lang talaga ang bagsak namin. Public hospital na, kulang kulang pa sa mga gamit. Napabuntong hininga ako. At lumabas ng kwarto. Naupo ako sa mga upuan na naroon. Tumabi naman sa akin si Ekang at inabot ang pera na ipinatago ko rito bago ako nahuli ng mga pulis. "Salamat ha?" Sabi ko dito. Tumango lang siya. "Paano nang gagawin mo?" Nag aalalang tanong nito. "Kahit mahal ang mga gastusin, kailangan kong ilipat ang kapatid ko. Payo na iyon ni Doctor Octopus. Kung kailangan kong magtrabaho maghapon magdamag, 24/7 gagawin ko, Ekang. Buhay ng kapatid ko ang nakasalalay dito." Seryosong sabi ko. Binatukan ako nito. "Tang ina mo, Sta Maria. Napupuno ka ng grasya! Napakaulirang kapatid mo!" Mangiyak ngiyak na sabi nito. Binatukan ko rin siya. "f**k you! Huwag mo nga akong tinatawag sa apelido ko. Kinikilabutan ako. Ayoko pang sumunod kay mudrabells sa heaven." Pinanlakihan ko pa ito ng mga mata. Si Matet nalang ang nag iisang kapamilya ko. Siya nalang din ang naiwan sa aking alaala ng Mama ko. Kahit may pagka gaga ang nanay ko. Alam ko na minahal niya ako kahit bunga ako ng isang pagkakamali niya. At gagawin ko lahat gumaling lang si Matet. Tiningnan ko ang traheta na inabot sa akin ni Doctor Octopus. Nanlaki ang mga mata ko ng mabasa ko ang nakasulat. "Cassandra Cristina Carlos?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD